ni Nene Riego
NOONG Friday (June 13) ay nagteyping pa ng kanyang top rating infotainment show si Sen. Bong Revilla.Nang mapuna niyang malungkot ang mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na ang personal make up artist na si Virgie, ay nagpatawa pa siya. ”Dapat happy. Dapat ‘di kayo sad. ‘Di naman ako mamamatay. Basta, ipagdasal n’yo ako na maaayos din ang lahat,” sabi ni Sen a.k.a. Kap.
Gaya nang alam ninyo, kusang isinuko niya ang sarili sa Sandigang Bayan nang malamang ibinaba na ang warrant of arrest sa kanya. ‘Di pinagbigyan ang hiling niyang makapagpiyansa dahil ‘di bailable ang plunder na ikinakaso sa kanya (kasabay ng graft charges). Tila rin ‘di pagbibigyan ng Sandigang Bayan ang request niyang sa NBI Detention Center siya ilagay sa halip na sa PNP Custodial Center. ‘Di siya nilagyan ng posas dahil nga kusang sumuko, pinag-finger prints at ang mog shots ay walang pangalan at numero tulad ng sa ibang akusado.
Mula Huwebes (June 19) ng gabi’y ‘di na siya hiniwalayan ng asawang si Rep. Lani Mercado, mga kapatid na sina Marlon Bautista, Mayor Stryke Revilla, Pruncess, at Andeng at mga anak na sina Bryan, Vice Gov. Jolo Revilla, Gianna, Laudette, Ram, at apong si Gabriel. At noong Biyernes, bago magsimba ang mag-anak at mga supporter ay dumaan sila sa kanilang bahay sa Bacoor, Cavite para magpaalam si Sen sa amang si former Senator Ramon Revilla, Sr. na isang religious book ang pabaon sa kanya.
Bumili ng mga appliance na pampalamig sa maliit na detention cell ng asawa si Lani. Andap ang loob niya na dahil sa tindi ng init, pagod at stress ay atakihin ng migraine si Bong. At ang migraine, malamang na maging sanhi ng aneurism (atakeng kumitil sa buhay ni Fernando Poe, Jr.)
Dalawang episode lang ng KAS ang naiteyp ni Sen kaya tatakbo ang mga ito ngayong June 22 at sa June 29. Paano na kaya ang programa kung nakakulong ang host nito? Kung itutuloy naman, sino ang maaaring pumalit sa kanya?
Abangan ngayong Linggo ang tampok sa KAS na Weapons of the Wild – Jaws and Claws) na ang bida’y mga butiking nakikipag-wrestling, ibong bumubulusok sa ere, pusang humahagibis sa lupa at tropa ng mga unggoy, kangaroo, gila monster, leon, tigre, rhinoceros at uwang na naglalabang matira ang matibay sa gubat.