Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja at Gerald, inihihiwalay ang relasyon sa trabaho (Kaya ayaw magsama sa TV o movie)

ni Pilar Mateo

AT inurirat ko nga si Maja (Salvador) sa naging tanong din namin kay Gerald Anderson, kung magsasama ba sila sa mga darating na proyekto sa TV o kaya eh, sa pelikula.

Ang sabi kasi ni Gerald, ayaw niya.

At binigyang linaw ito ni Maja sa presscon ng kanyang MAJ: The Legal Performer concert na gaganapin sa July 12, 2014 sa Music Musem, 8:00 p.m. hatid ng Hills and Dreams Events Concepts Co. ang tinuran ni Gerald.

“Ayaw namin talaga. Napag-usapan na namin ‘yan na mas maganda na ihiwalay namin ang relasyon namin sa trabaho. Para mas tahimik. Para mas maayos. Noong umpisa pa lang po. Bago pa lang kami lumalabas-labas pinag-uusapan na namin ‘yan. Dati, gusto ko siyempre. Pero, naiba. Hindi naman sa natatakot. ‘Yun lang ang feel namin.”

Sa concert niya, magge-guest man lang ba ito?

“Pa-joke sabi niya sa akin, kung gusto ko raw ba na sumayaw siya sa show. Eh, alam ko naman, mahirap ‘yun dahil halos araw-araw ang taping nila ng ‘Dyesebel’. In-invite ko siya pero hindi pa sigurado kung makakanood siya. Sabi ko, kung darating siya, huwag siya magpakita kasi, talagang ninerbiyusin ako. So, roon siya sa tabi-tabi,” natatawang sabi ng aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …