Wednesday , December 25 2024

Mga naglalakihang artista susugod sa huling leg ng Ginuman Fest 2014

I-CUCULMINATE ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang Ginuman Fest 2014 (ang matagumpay at inaabangang taunang concert series ng brand) ngayong Hunyo.

Sa loob ng anim na buwan, nilibot ng Ginuman Fest 2014 ang buong bansa kasama ang mga brand ambassadors nito na kinabibilangan ng ilan sa pinaka-maiinit, pinaka-influential, at pinaka-talentadong artista sa industriya.

Ngayong ikatlong taon nito, patuloy ang Ginuman Fest sa pagbibigay kasiyahan sa lahat ng mga loyal at solid na “kalahi”sa buong bansa. Bawat leg ng series na ito ay hitik na hitik at punompuno ng mataas na kalidad ng musika mula sa mga brand ambassador na inaasahang aawit ng kanilang greatest hits, hottest chart-toppers ngayon, standard favorites, at party anthems.

Bukod sa musical extravaganza na inaalay ng Ginuman Fest, isa rin itong game show na maraming mapapanalunan ang mga ka-barangay sa bawat leg. May inuman, kainan, at “side-games” na tiyak papatok sa mga kabarangay.

Ang Ginuman Fest ay ang munting paraan ng GSMI upang pasalamatan ang milyon-milyong mga kalahi na siyang dahilan ng pagiging no. 1 gin nito sa buong mundo.

Maaari ring subukan at bilhin ng mga concertgoer sa mga Ginuman Fest venues ang iba pang mga GSMI product gaya ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Brandy, at Antonov Vodka.

Inaasahan ding itataob ng Ginuman Fest 2014 ang kamangha-manghang bilang ng mga tao na dumalo at nakisaya noong nakaraang taon na lumampas sa isang milyon sa buong run ng concert series sa buong bansa.

Ngayong Hunyo, bibisita ang Ginuman Fest sa Pinyasan Festival ng Daet, Camarines Norte (Hunyo 19) na makikisaya ang Ginebra San Miguel Ganado Girls kasama ang Callalily at Banda Ni Kleggy; at sa Aggao Nac Festival ng Tuguegarao, Cagayan Valley (Hunyo 28) na makiki-jamming ang rock band na Rocksteddy at ang Sample King na si Jhong Hilario.

Mangyayari sa San Juan, Metro Manila sa Hunyo 21 ang pinakamalaking culminating leg ng Ginuman Fest sa Wattah Wattah Festival ng lungsod. Para sa leg na ito, paliliyabin ng mga brand endorser ang stage sa Pinaglabanan Shrine umulan man o umaraw. Maaaring makisaya ang fans kasama sina Paulo Avelino, Solenn Heussaff, The Itchyworms, Callalily, Rocksteddy, at Anne Curtis.

Ang Ginuman Fest 2014 ay isinasagawa ng GSMI upang pasalamatan ang mga milyon-milyong mga kalahi na tumatangkilik sa Ginebra San Miguel bilang pinakamabiling gin sa buong mundo. Tumanggap ang Ginebra San Miguel ng ika-anim na Gold Quality Medal at pangalawang International High Quality Trophy ng Monde World Selection noong nakaraang taon. Napanatili rin ng Ginebra ang pagiging no. 1 gin sa buong mundo ayon sa Drinks International.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *