Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ian Veneracion, ikinaloka ang balitang patay na siya (RIP Ian Veneracion, no 6 sa Philippine Trends)

ni Alex Brosas

PIKON na pikon si Ian Veneracion nang malaman niyang may kumalat na chikang patay na siya.

Gulat na gulat si Ian nang malaman niyang nag-trend ang name niya sa Twitter. Nasa number 6 slot ang Ian Veneracion on Philippine Trends kaya naman napatanong ang aktor, “Trending ako? Why?”

Later, he learned kung bakit nag-trend siya sa Twitter at ito ay dahil sa “RIP Ian Veneracion” rumor.

“Akala ko pa naman nag-trending ako dahil may twitter ako! Stop na po natin yan!” tweet ni Ian.

“Please stop this ridiculous rumor! Respect! Salamat!” Hindi po nakatatawa ang mga tweet nyo, please stop it! Salamat!” dagdag na tweet niya.

At para siguro ma-defocus ang attention ng kanyang 6,866 followers sa Twitter ay nagsimula si Ian ng conversation sa kanyang fans.

“Ganda ng PBB ngayon! #PinoyBigBestFriend”

“Mabuti pang manood tayo ng Pinoy Big Brother! Sino ang favorite housemate nyo?”

“Batiin ko lang ang mga KathNiel! Hello sa inyo!!”

Kaya lang, tila hindi ito nag-click kaya nag-tweet muli si Ian ng, ”Bakit trending pa rin ang “Ian Veneracion” :(“

Sa huli, sabi ni Ian, “#AskIanVeneracion nalang tayo! Stop tweeting that stupid thing!”

KRIS, NAGBAGO?, BISTEK, AYAW NANG PATULAN

ABA, biglang nagbago yata itong si Kris Aquino. Ayaw na kasi niyang patulan ang statement ni Mayor Herbert Bautista.

Sinabi ni Mayor Herbert sa Bandila na kaya sila naghiwalay ni Kris ay dahil sa kanyang mga anak. Mas pinili niya ang kanyang mga anak kaysa Queen of Talk.

Ouch! Ang sakit naman niyon! Anyway, nag-react din naman kaagad si Kris sa panayam ni Mayor Herbert. “Silence is better than bullshit”, ‘yan ang say niya sa kanyang Instagram account. Kaya lang, binura na ni Kris ang message niyang ito.

Tito Ricky Lo tried to get a  reaction from Kris but he was unsuccessful.  ”Nothing to say”, ‘yan ang reaction ni Kris kay tito Ricky.

But in her caption, obvious na kating-kati na si Kris na sagutin ang mga sinabi ni Mayor Herbert.

“Text exchange w/ Ricky Lo… It is tempting to defend myself but what for? I’ve stumbled several times in my public handling of private breakups. And after all those experiences, thank God NATUTO NA KO.

“There is peace in keeping quiet kasi nga kagaya ng sinabi ni Boy Abunda, ‘pag mainit pa ang sitwasyon at marami kang nabitawang salita ‘pag kalmado na, pinahirapan mo lang ang sarili mo kasi ang dami mong kailangan walisin at ayusin.

“At 43 years old, finally learning when it’s best to just keep my mouth shut.”

So, nagbago na pala itong si Kris. Ayaw na niyang maging Patola Queen. How nice!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …