LITERAL na masasabing iba ang utak ng mga lalaking mahilig manood ng pornograpiya.
Lumitaw sa isang German study ng 64 na kalalakihang nasa pagitan ng 21 at 45-anyos ang edad na gumamit ng MRIs sa panonood nila ng porn ay mas maliit ang volume ng kanilang brain area na may kinalaman sa mga reward at motivation, ulat ng Reuters.
Ang tawag sa brain region na ito ay ang striatum, at napag-alaman din ng mga researcher na isa pang area na bahagi ng striatum ay “nagpakita ng mas bawas na activation,” wika ng lead author ng study na si Simone Kühn.
Dangan nga lang ay pinunto din ni Kühn na hindi “masasagot” ng kanyang pag-aaral kung ang panonood ng porn ang dahilan o ugat ng mga pagbabago sa utak o kung ang pagkakaiba ay naroroon na at ang mga indibiduwal na may ganitong uri ng utak ay napapahilig sa panonood ng porn.
Ang kahulugan nito ay hindi rin napatunayan sa pag-aaral na ang panonood ng pornograpiya ay nakasasama sa ating kalusugan.
Tinutukoy ang ‘atin’ bilang one-third ng mga kababaihan sa America na nanonood nito at 70 porsyento ng mga Amerikano nasa edad 18 hanggang 24, ulat naman ng Telegraph.
Kinalap ni Tracy Cabrera