Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nalalagas ang ngipin

To Señor,

Nanagnp po aq na nanlalagas ang ngipin ko sa dream,at hnd lng to isang beses nanyari sa dream ko,anu po b ibig sbhin nun,pki interpret pomtnx, Rose po ng Paranaque 2. (09391804643)

To Rose,

Ang panaginip hinggil sa natanggal o nalalagas na ngipin ay kabilang sa tinatawag na most common dreams. Ang ganitong panaginip ay maituturing na hindi lamang horrifying at shocking, kundi, ito ay nag-iiwan din ng hindi maganda sa iyong alaala. Isa sa teorya ng ganitong uri ng bungang-tulog ay ukol sa iyong agam-agam hinggil sa iyong itsura at kung ano ang pananaw sa iyo ng iba. Mayroon din namang scriptural interpretation ukol sa bad o falling teeth na nagsasaad na inilalagay mo ang iyong faith, trust, at beliefs sa iniisip o sasabihin ng mga tao, imbes na sa word of God. Ang Bibliya ay nagsasabi rin na ang Diyos ay nakikipagtalastasan sa atin sa pamamagitan ng panaginip o vision upang maitago ang pride mula sa atin, upang mailayo ang mga tao sa hukay, upang mabuksan ang ating mga tainga (spiritually), at upang magbigay babala at maitama ng landas ang mga tao. Ang panaginip mo ay maaari rin namang babala na may kinalaman sa negosyo o pagkakaparehan at hinggil din sa iyong kalusugan.

Maaaring napapabayaan mo ang mga bagay na ito at kailangan ang lubos na pagbibigay mo ng iyong oras o pagtutok dito. Kung nababahala ka naman dahil may mga nagsasabi na ang ganitong panaginip ay ukol sa kamatayan, ang mga matatanda ay may itinuturing na pangontra sa ganitong bungang-tulog. Pagkagising na pagkagising daw matapos managinip na natanggal ang ngipin mo, dapat ay magdasal at maghanap ka ng anumang punongkahoy, at sa maaabot na sanga nito na maaari mong kagatin, kagatin mo ito nang marahan (na hindi makakasira sa ngipin mo o makakasakit sa iyo). Walang scientific basis siyempre ito, subalit kung para naman sa ikapapanatag ng kalooban mo, wala namang mawawala sa iyo kung gusto mo itong gawin o subukan.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SMB Mango Yuzu

San Miguel Brewery Inilunsad ang Mango Yuzu, Bagong Beer Flavor sa 2026

BILANG bahagi ng temang “New Year, New Beer,” inilunsad ng San Miguel Brewery Inc. (SMB) …

DOST GATES

DOST boosts capacity to turn research and data into bankable projects and national policies

By Joy Calvar, DOST Gates Program Representatives from the Department of Science and Technology (DOST) …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

DOST1 DOSTOneSCIGLAT

Ending 2025 Stronger as DOSTOneSCIGLAT Family: DOST Ilocos Region’s Year-End program with a Purpose

The Department of Science and Technology Ilocos Region (DOST Ilocos Region) meaningfully closed the year …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …