Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TNAP convention ng Puregold, wagi!

PINAGSAMA-SAMA ng Puregold ang pinakamalalaki, pinakamakikinang, at pinaka-iconic na celebrities sa 9th installment ng taunan nitong Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Store Convention na ginanap sa World Trade Center, Pasay City noong Mayo 21 to 25. Ang mga artistang dumalo upang ipagdiwang ang 11 matagumpay na taon ng TNAP ay pinangunahan ng mga hari ng noontime television na sina Vic Sotto at Joey De Leon; ang ng Pop Star Princess at Box-Office Queen na si Sarah Geronimo; Coco Martin; Jodi Sta. Maria; Kim Chiu; Matteo Guidicelli; Julia Barretto; Angelica Panganiban; Up Dharma Down; Callalily; Aegis at marami pang iba.

Tunay na mahalagang taon ang 2014 para sa Puregold dahil inilunsad nito ang bago at improved membership card ng TNAP na ipinagmamalaki ang mga bago at highly-exclusive na mga benipisyo para sa mga miyembro gaya ng easier structure to earn points through their purchases at improved redemption system para sa mga fabulous freebies at prizes plus other exciting features at rewards. Ang tema ng convention ngayong taon ay Level-AP! Eleven Years, E-Level AP and Asenso at Panalo. At layunin ng convention ngayon na ipakilala ang mga magandang pagbabago na inaasam ng mga miyembro ng Tindahan ni Aling Puring.

Nakilahok ang mga miyembro ng TNAP sa libreng trainings at seminars ng convention upang matuto sila ng mga mahahalagang tips at methods mula sa mga nirerespetong negosyo gurus tulad nina Chinkee Tan, Francis Kong, Randell Tiongson, RJ Ledesma, Anton Diaz, at marami pang iba. Binigyan din ng Puregold ang mga top purchaser nito ng mga brand new cars kagaya ng Mirage, Vios, Innova, at Altis; at magpapamigay din nga mga business utility vehicles at packages gaya ng multicabs, pick-up trucks, at mga Puregold gift certificates. Steadfast at extremely passionate ang Puregold sa adbokasiya nito na tulungan at i-empower ang bawat Filipino na mag-lebel up sa pamamagitan ng sustained na tagumpay sa kanilang mga negosyo. Tanging Puregold ang makakapag-alay ng sari-sari store and/or reseller packages na ginawa upang suportahan ang mga simple at maliliit na entrepreneurs. Ang Puregold ay ang namumukod-tanging establisimyentong nag-ooffer ng complete business package para sa sari-sari store start-up o relaunch na kabilang ang store design at promotion, technological assistance, isang crash course sa basic retail, at exposure sa media. Sa mga nakaraang taon, ang mga sari-sari storeowners mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay itinuturing bilang mapagkakatiwalaang sellers dahil sa gold stamp ng Puregold at ng TNAP.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …