Dear Señor H,
Nanaginip ako ng naka pasok ako sa kabaung? ano ibig sabihin? Liza Aranez
To Liza,
Ang kabaong sa panaginip ay simbolo ng womb. Ito ay may kaugnayan din sa iyong thoughts and fears of death. Kung walang laman ito, ito ay maaaring may kaugnayan sa irreconcilable differences. Alternatively, ito ay maaaring nagre-represent ng ideas and habits na hindi mo na kailangan o wala nang silbi sa iyo, kaya puwede nang ilibing o alsiin sa buhay mo. Maaaring simbolo rin ito ng ilang mga bagay o ng decaying situations na dapat mong harapin.
Kapag nanaginip ng sariling kamatayan, hindi ka dapat mangamba dahil hindi ito literal na may kaugnayan sa kamatayan. Nagpapahayag ito sa pagtatapos ng ilang aspeto, nagsasabi rin ito na mas mabuti na harapin ito imbes na ilibing ito at kalimutan na lang. Ito ay nagsasaad din ng transitional phase sa iyong buhay. Ikaw ay mas naliliwanagan ngayon o kaya ay mas nagiging spiritual. Alternatively, maaaring sagi-sag din ito ng pagtakas sa pang-araw-araw na pressure at demands sa iyong buhay.
Señor H.