ni Nene Riego
KALAT na ang balitang ikakasal na si Zsa Zsa Padilla sa dyowang si Conrad Ongpao. Sa huling balitaan namin ng Divine Diva’y sinabi niyang ‘di pa umaabot sa ganoong usapan ang kanilang relasyon.
“Napakabuti niya. Napakabait niya sa akin. I thank him for making me love again. Hindi ko pansin ang mga paninira sa kanya, kasi’y ako ang mas higit na nakakakilala sa kanya more than anybody else,” sabi ni Zsa.
By the way, ‘di po ang inyong lingkod ang “Nene” na tinukoy niyang manager sa kanyang posting sa Instagram after her 50th birthday celebration sa ASAP. Si Nene Atilano po ‘yon. Si Nene na kasama niya through thick and thin.
At ang kasal? ”I need to be asked first,” sabi niyang may kabuntot na malakas na tawa.
Oo nga naman.
Sa totoo lang ang tatlong anak ni Zsa na sina Karylle, Nicole, at Zia ay wala raw tutol kay Architect Onglao. Maging ang mga anak na lalaki ni Pidol ay masaya for her. ”Naging mabuti siya sa aming Daddy. Mabait din siya sa ’min. May karapatan siyang lumigaya. Dasal nami’y mahalin siya ng bago niyang boyfriend,” sabi ni Eric Quizon.
SINO-SINO NGA BA ANG MGA TOP ENDORSER?
SA isang harapa’y napag-usapan ng ilang kapatid sa panulat kung sino-sino ang top product endorsers among showbiz personalities. Sa babae’y numero uno si Kris Aquino kasunod sinaSharon Cuneta, Judy Ann Santos, Carmina Villaroel, Anne Curtis, Angel Locsin, at Vilma Santos.
Sa lalaki’y nasa listahan sina Vic Sotto, Michael V, John Loyd Cruz, Boy Abunda, Robin Padilla, Daniel Padilla, at Coco Martin.
Sila ang biggest earners. Siyempre, sa kanila rin nakatutok ang matatalas na mata ng mga ahente ng BIR (Bureau of Internal Revenue).
RACHELLE, SOSYALERANG CONSERVATIVE
PAPEL ng isang bar girl ang ginagampanan ni Rachelle Anne Go bilang Gigi sa Miss Saigonna ngayo’y dinarayo ng mga tao sa United Kingdom.
Kilala si Rachelle bilang sosyalera pero conservative at dahil miyembro ng Victory Christian Fellowship ay kinabahan nang first time umakting sa stage na seksing outfit ang suot.
“Ang nagpalakas ng loob ko’y ang aking idol na si Lea Salonga. Bago nag-Broadway stage ay mahinhin siya at conservative kung manamit. Later on, okey na siya. Palagay na ang loob. Nanalo pa nga ng awards,” sabi ni Rachelle.
Good luck and more power Rachelle. Ipakita mo sa mga banyaga na magaling ang Pinoy kahit saan, kahit kailan, at kahit sa anong larangan.