Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel, never mai-in-love sa mas bata sa kanya (Dingdong, na-intimidate kay Maria)

ni Rommel Placente

SA bagong serye ng GMA 7 na ang Ang Dalawang Mrs. Real ay gumaganap si Maricel Soriano bilang misis ni Dingdong Dantes na mas bata sa kanya.

Ayon kay Maricel nang makausap namin, hanggang sa serye lang daw siya puwedeng ma-in-love sa mas bata sa kanya, sa totoong buhay daw ay hindi ‘yun mangyayari.

“Ay, hindi ko kaya! Hindi!” sabi ni Maricel.

“Pero si Millet karakter niya sa teleserye) kinaya niya. Pero si Maria, parang mahirap. Hindi pumapasok sa utak ko iyan,” aniya pa.

Kumusta naman si Dingdong bilang bagong katrabaho at asawa niya ang role?

“Maginoo si Dingdong at magaling, huh! Guwapo! mabango!” sagot ni Maricel

“Okey naman siya, eh. Marunong. Magalang pa. Edukadong tao! Sobra!” dagdag pa niya.

ni Rommel Placente

 
DINGDONG, NA-INTIMIDATE KAY MARIA

Ayon kay Dingdong, na-starstruck at naintimidate raw ito kanya. Kaya hindi raw nito alam kung paano ang gagawin at kinakabahan siya sa eksena nila na sinisigawan siya nito. Ano ang reaksiyon niya?

“Pero nagawa niya, hindi ba? Ayun, o..sa trailer kanina ‘di ba? Sinigawan niya ako. Ako naman martir na asawa na sunod lang ng sunod sa kanya kasi mahal ko siya! O, ‘di ba, ang drama?”

Eh si Lovi Poe, kumusta naman silang dalawa?

“Ay, ang gandang bata at ang sexy! Ayun, o! (sabay turo ni Maria sa kinarorooonan ni Lovi). Nagkasama na kami rati kaya lang hindi kami nagkasama sa eksena. Rito may mga scene kami together at ‘yun ang aabangan n’yo since pareho nga kaming Mrs Real, ‘di ba?” sabi pa ng Diamond Star.

May sampalan at sabunutan bang magaganap kapag nagharap na sila ni Lovi dahil malalaman nila na pareho silang asawa ni Dingdong sa serye?

“Ay hindi ko alam! Alam n’yo ba?” balik-tanong ni Maria sa press.

“Malayo pa ‘yun, eh. Magsisimula pa nga lang, o..bakit parang ang bilis naman yata?” natatawang sabi pa ni Maria.

Happy ba siya sa first Kapuso teleserye niya?

“In fairness, masaya kami. Masaya ako. Magandang experience ito. Bonggang-bongga!” pagtatapos ng award-winning actress.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …