Tuesday , December 24 2024

Hunk Recording Artist/Product Endorser Na Si Tyrone Oneza pumalag (CD Album niya hinahabol ng ex-live in partner na si Jackie Dahoya!)

Peter Ledesma

Hindi naging maganda ang hiwalayan ng Hunk recording artist/endorser na si Tyrone Oneza at ng live-in partner at the same time producer na si Ms. Jackie Dahoya. Pagkatapos lisanin ni Tyrone at magpaalam sa dating karelasyon sa kanilang condo unit somewhere in Timog at iniwan ng singer ang lahat ng mga regalong ibinigay sa kanya ni Ms. Jackie na kinabibilangan ng dalawang mamahaling relo at ATM na may lamang pera, nagkaroon ng hindi magandang pagtatalo ang dalawa nang kampihan ni Ms. Jackie ang bagong alagang komedyante na si Mojak Perez na umano ay may ginawang kamalasadohan kay Tyrone? Ang inaasahan kasi ng singer noong time na ‘yun ay pakikinggan siya ni Ms. Jackie dahil sila ang magkarelasyon pero hindi nga nangyari ‘yon dahil mas pinanigan nga si Mojak. Doon na, nag-decide si Tyrone na iwan na ang ka-live in for many years.

After ng separation nila, ay doon na nag-start ang gulo sa dalawa nang magpakawala ng salitang “Insekto” ang CEO at Gen Manager ng MEGA C na si Yvonne Benavidez. Sinabi ito ng magandang negosyante nang magpatawag siya ng mini-presscon para kay Tyrone few weeks ago na ginanap sa mismong office niya sa Makati.

At kung sino ‘yung insektong tinutukoy at pinatatamaan ng magandang negosyante? Well, sila ‘yung mga taong dating nasa paligid ni Tyrone na pilit siyang ibinabagsak ngayon. Siyempre dahil siya (Ma’am Yvonne) ang nangangalaga ngayon sa career ni Tyrone ay kailangan niyang protektahan ang singer at endorser ng ipinagmamala-king produktong vitamins. Samantala, agad nag-react ang dating karelasyon at producer ni Tyrone na si Ms. Jackie Dahoya. Sa interview ng lady produ, galit na galit siya kina Tyrone at Ma’am Yvonnne at nagbanta pang idedemanda niya ang ex na hunk recording artist kapag ginamit ang album na siya raw ang gumastos at nag-produce. Huwag daw magamit-gamit ni Tyrone sa launching at mall tours ang “Dito Sa Aking Piling” album dahil kapag ginawa raw ito ng dating Papa, kanya itong kakasuhan at magkita na lang sila sa korte. Dugo at pawis raw ang ipinuhunan, ni Ms. Jackie matupad lang ang pangarap ni Tyrone, na makapag-record ng album.

Kanya rin hinamon si Ma’am Yvonne na kung talagang may pera ang negosyante ay ipag-produce niya ng bagong album ang alaga at huwag nilang gamitin ‘yung kanya na pinagpaguran niya at ginastusan ng P3 milyon. Lahat ng mga deklarasyon ni Ms. Jackie ay nakarating na kay Tyrone, na kasalukuyang nagbabakasyon sa Barcelona, Spain at the same time ay may inaasikasong papeles roon.

Para sa patas na pamamahayag, kinuha namin s’yempre ang side at reaction ni Tyrone hinggil sa issue nang amin siyang makausap sa cellphone direct from Spain a week ago. Narito ang kanyang mga naging pahayag hinggil sa ipi-nagsisigawan ng kanyang ex live-in partner, na siya ang nag-produce ng kanyang album kaya’t wala silang karapatan ng bagong manager na gamitin ang album sa kanyang mga promo. “Unang-una, po matagal akong nanahimik sa isyung ‘yan tito Peter (tawag niya sa inyong ko-lumnista) at alam naman po namin pareho kung ano ‘yung totoo.

Two years ago ay may maganda akong trabaho sa Japan at malaki ang kita ko roon. Siya (Jackie) ang nag-alok sa akin na umuwi ng Pilipinas para i-pursue ang singing career ko. Tapos siya rin po mismo ang nag-offer sa akin na ipo-produce niya ako ng album na I admit, since pasukin ko noon ang showbiz ay pangarap ko na talaga. Tapos ngayon, isusumbat niyang lahat sa akin,” ma-lungkot na sambit niya.

Ayon kay Tyrone regalo ni Ms. Jackie sa kanya ang kauna-unahang album na lahat ng laman ng album ay composed at produced ng hitmaker na si Tito Vhenee Saturno. Kaya hindi raw talaga niya inaasahan na pagdating ng araw ay babawiin ng babaeng kanyang minahal. “Nagkaroon po kami ng relasyon at pinakisamahan ko siya nang maayos at maganda.”

Hindi ko rin naman po kinakalimutan ‘yung magagandang nagawa niya sa akin at sa career ko.

Ngayon, tungkol doon sa hamon niya ay huwag niya akong tinatakot. Gagamitin ko po ang album dahil kusa niyang ibinigay ‘yun sa akin at kung gusto niyang sampahan ako ay nakahanda po ako sa anumang oras at magkita-kita na lang kami sa korte,” walang takot pang tinuran ni Tyrone sa amin.

Nang hingin namin ang reaction ng singer-endorser sa isyung minamaliit ang pagkatao niya na parang pinulot lang siya sa tabi-tabi? Kung ano rin ang masasabi niya na hindi siya puwedeng sumabay sa paglipad sa Agila dahil kalabaw lamang siya? Narito ang tugon ng controversial artist. “Siyam ang mga kapatid kong nagtatrabaho sa London, hindi man po kami mayaman na mayaman pero nakaluluwag naman kami sa buhay at alam niya ‘yan. Bago pa lang kami magkakilala ay may pera na ako at may time deposit sa banko.

Ngayon kung minamaliit niya ang pagkatao ko, okey lang ‘yun sa akin, ayoko na silang patulan. Kaya kong mabuhay nang wala siya sa tabi ko. Saka lahat po ng mga ibinigay niya (Jackie) sa akin ay iniwan ko sa condo at may pruweba ako d’yan. Sana magrespetohan na lang kami hindi ‘yung kung ano-ano na lang ang mga lumalabas sa bibig niya.” Wala na ba siyang balak na magkaayos sila ni Ms. Jackie lalo pa’t malalim naman ang kanilang mga pinagsamahan? “Sa ngayon po, ayoko nang sagutin ‘yan kasi masyado po talaga akong nasaktan sa mga pagbabanta niya sa akin. Basta ang masasabi ko lang ay masaya ako, dahil malaya na ako at happy rin po ako sa bagong tumutulong sa aking career na si Ma’am Mega C.

“Saka, hindi ko po ugaling makipagkompetensiya sa kahit sinong tao,” huling sambit ni Tyrone na babalik na ng Pinas sa susunod na linggo. Pagdating ng bansa ay aasikasuhin niya ang kanyang mall tour na may schedule sa June 10 sa SM Lipa Batangas ganoon na rin ang launching ng kanyang album at guesting sa album launch concert ng Sexy Diva na si Azrah na “I Wanna Be Close To You” na gaganapin naman sa Music Museum this June 20.

Napaka-in-demand talaga ng dating member ng That’s Entertainment ni Kuya Germs. Sa kaso naman nila ni Ms. Jackie I wish, na sana pagda-ting ng araw ay magkaayos rin ang bawat kampo. Maliit lang ang mundong ating ginagalawan sa showbiz at tayo-tayo lang din naman ang magkakasalubungan.

Peace na lang, and I’m hoping for the best gyud!

ANG LOVE STORY NG EX DANCER ACTRESS NA SI MALOU TODA AT JAPANESE HUSBAND NA SI MANABU TODA

Fashionista at malakas ang appeal kaya naman habulin talaga ng mga lalaki ang dating dan-cer-actress na kapatid ni late Beth Sandoval na si Malou Toda. Yes, noong 80s at kasikatan nila ni Beth sa showbiz ay kaliwa’t kanan ang mga manliligaw ni Malou at majority ay may sinasabi talaga sa buhay.

Pero ang maswerteng nakasungkit sa puso at matamis na “Oo” ng ex-celebrity ay ang Japanese husband for so long long years na si Mr. Manabu Toda, civil archetic engineer at kilalang-kilala sa iba’t ibang parte ng Japan. Kuwento pa ni Malou, ipinakilala lang sa kanya ng isang kaibi-gan si Manabu at simula noong nakita siya nito ay hindi na siya binitiwan. Dahil mabait at alam ni-yang mahal siya ay ‘di na nagdalawang-isip ang BFF naming si Malou, na magpakasal sa nasa-bing Hapon at ngayon ay may tatlo na silang anak na sina Maiko, Masaki at Masato na pawang college graduates na.

Kahit dekada na silang nagsasama ang ikinatutuwa ni Malou, sa mister ay hindi nagbabago ang pagmamahal sa kanya at very supportive pa rin sa lahat ng mga bagay na gusto niyang gawin sa buhay. Very good provider rin sa kanilang kids kaya puring-puri talaga niya ang kanyang partner. Very protective rin sa kanya ang ama ng kanyang mga anak, kapag may lakad siya o bibisita sa bansa na nakatakda silang magbakas-yon muli sa July, talagang sinasamahan siya. Kaya naman, ano pa ba ang hahanapin ng kaibigan namin? Fo sure, wala na, dahil na kay Mr. Manabu Toda na ang lahat!

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *