Sunday , October 13 2024

Saan Ka Man Naroroon Aking Mahal (Ika-28 labas)

SA WAKAS MULI SILANG NAGKITA NG BABAENG MATAGAL NIYANG INASAM MAKASAMA

 

Kaytulin-tulin talaga nang paglipas ng mga araw. At parang bumilis din ang mga pangyayari sa takbo ng buhay ko.

“Malimit kong maging pasahero si Minay,” paglalahad sa akin ng tricycle driver na dinatnan ko sa pilahan ng Toda.

“Si Carmina, ha?” paniniyak ko.

Napakamot sa ulo ang kausap ko. “Kulit!”

Sinabi sa akin ng tricycle driver kung anong oras niya laging naisasakay ng traysikel si Carmina. At sa pagkabanggit ng kasamahan ko sa Toda, regular nang umuuwi si Carmina sa sariling pamilya. Pero maaga umanong umaalis si Carmina upang pumasok ng trabaho sa Divisoria. Gabi na raw kung umuwi.

Mag-aalas-sais pa lang ng umaga kinabukasan ay may pananabik ko nang inaba-ngan ang paglabas ng bahay ni Carmina. Buong tiyaga akong naghintay sa di-ka-layuan. At nang maispatan ko ang pagbaba niya ng bahay ay mabilisan kong pinasibad ang minamanehong sasakyan. Huminto ako sa tapat ni Carmina. Hindi niya ikinagulat ang biglaan kong pagpreno. Mas ikinabulaga pa niya ang pagkakita sa akin.

Sumakay sa traysikel ko si Carmina.

Hindi siya umiwas sa akin. Wala rin sa mga kilos at galaw niya ang pagiging ma-ilap. Ang kaharap ko ngayong Carmina ay ang dating Carmina na simple ang ayos at pananamit. Walang-make-up at wala rin lipstick, ordinaryong palda’t blusa lang ang mga kasuotan – malayong-malayo ang itsura sa dating Carmina na kung ilang panahong nagpugad sa Ermita. .

Nagpahatid siya sa akin sa sakayan ng papuntang Divisoria.

“M-musta ka na?,” nasabi ko na parang may bara ang lalamunan.

“’Eto, papasok na…” ang matipid ni-yang sagot.

Idinugtong ko: “Saleslady ka na pala sa Divisoria.”

Napamaang si Carmina pero sandali lang.

“Pa’no mong nalaman?”

“Nasabi sa ‘kin ng dati nating kaklase. Si Arsenia daw siya,” sabi ko kasunod ang paglalarawan sa deskripsiyon ng binanggit kong pangalan. .

“Si Arsenia nga ‘yun. Siya’ng tumulong para makapasok akong saleslady sa mall.”

Hindi ako nakabuwelo para buksan kay Carmina Amita ang aking damdamin sa kanya, at lalong higit ang nauukol sa mensahe na idinaan niya noon sa text: “Mahal din kita. At kung may lalaki man na gusto kong makasama sa habambuhay ay ikaw ‘yun!” (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

PNB Every Step Together Rebranding Campaign of the Year copy

PNB’s ‘Every Step Together’ named as Rebranding Campaign of the Year 

Philippine National Bank (PSE: PNB) was given the recognition, Rebranding Campaign of the Year in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

SM Foundation clinches CSR Company of the Year at the 15th Asia CEO Awards

SM Foundation clinches CSR Company of the Year at the 15th Asia CEO Awards

SM Foundation, the social good arm of the SM Group, has been named Corporate Social …

Krystall Herbal Oil

Ubo, sipon sa amihan dapat paghandaan sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Connecting Continents: The Impact of ICTSI’s Operations in Nigeria on Philippine Trade and Development

INTERNATIONAL Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) has established itself as a global leader in port …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *