Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Handog ng Gandang Ricky Reyes para kay Nanay

ANG ikalawang Linggo ng Mayo taon-tao’y nakalaan sa Mother’s Day.  Isang natatanging pagkakataon para tayo’y magpugay, magpasalamat, at maghandog ng pagmamahal sa ating mga Mama, Mommy, Mom, Inay, Inang o Nanay.

Tunghayan ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa programang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ang prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV.

Tampok ang isang inang iginapang ang walong anak para makatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pamamasukan bilang parlorista. Ngayo’y may sarili nang salon si Mommy Lits.

Mula sa isang letter-sender ng show ay ang kahilingang gawan ni Mader Ricky ng isang make-over ang kanyang ina. Nang matapos ang madyik ng beauty guru ay talagang napangiti ang ginang. “Tingin ko sa salami’y kamukha ko ang aking paboritong si Gloria Romero na modelo ng GRR salon sa Ganda Ng Lolah Mo campaign,” sabi ng ginang.

Malabis na ipinagdamdam at ipinagluksa ni Mader ang pagpanaw ng kanyang butihing inang si Mama Ada (Dona Amada E. Zaparte) noong Nobyembre, 2013. Babalikan ni Mader, ng kanyang mga kapatid at kamag-anak ang masasayang alaala noong kapiling pa nila si Mama Ada.

“Si Mama ang idol ko. Ako naman daw ang idol niya. Kung magtawagan nga kami’y ‘Sister’. She is my inspiration, the wind beneath my wings … kaya nang mawala siya’y nawindang ako. She is a beautiful woman, a wonderful mother. Kaya hanggang ngayon, we miss her,” sabi ni Mader.

Kahit sinabi ng mga doktor na may taning na ang buhay ng anak na may  diabetes at cancer ay ‘di nawalan ng pag-asa ang kanyang ina. Bukod sa walang-pagod na pagdarasal sa Diyos, humanap siya ng mga food supplement na posibleng makalunas sa karamdaman ng anak. Ngumiti ang pag-asa dahil sa pag-inom ng Acaberry capsule ng maysakit. Galing ang food supplement sa America. Unti-unti’y bumuti ang kalagayan ng anak. Sabi nga, faith can move mountains.

Mula kay Mader at staff ng GRR TNT—Happy Mother’s Day sa lahat ng mga ina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …