Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batchmates, new breed of Filipina performers

ni  Roldan Castro

HINDI matatawaran ang kaligayahan ng Batchmates composed of Aura, Cath, Jonah, Marie, Sophy, at Vassy dahil sa wakas ay mabibili na sa lahat ng Odyssey at Astroplus outlet ang kanilang pinaghirapang album self-titled Batchmates na inirelease ng PolyEast Records.

Ang nasabing album ay naglalaman ng mga awiting siguradong kagigiliwan ng mga makikinig bata man o matanda. Nakapaloob dito  ang mga awiting Feel Like Dance (revival), Boom, Boom Para Boom, Di na Mahal, Giling, at Hora. Ang mga naturang awitin ay kinompose ni Mr Kazuhiro Watanabe na kilala rin bilang composer ng MYMP at ang ibang kantang Tagalog version naman ay mula kay Blanktape na kilala sa kanyang kantang Jejemon at Chika lang ‘Yon.

Bago pa man nai-release ang album ng Batchmates ay kung saan-saan na sila nagpe-perform. Nagpabalik-balik na rin sila sa Singapore at Malaysia. Madalas silang maimbitahan sa mga corporate event at provincial shows. Sa ngayon ay patuloy ang kanilang Padis Point Tour na iniikot nila ang lahat ng branches ng nasabing bar dito sa Pilipinas.

Aminado ang Padis Point Management na magaganda at positive ang feedback sa bawat branch na sinasalangan ng Batchmates.

Hataw at kamado ang performance ng Batchmates, may angas at lambing sa taas ng entablado kung kaya’t lalo nilang napapasaya ang kanilang manonood.

Ayon pa sa manager ng Batchmates na si Lito De Guzman, “Malaki ang potensiyal ng Batchmates, kaya alam ko na makikilala sila sa industriyang ginagalawan nila kasi tiwala ako sa kanilang galing at talento isama pa natin ‘yung sipag at tiyaga nila sa training nila araw- araw. Maliban sa rigid training ay regular din ang Batchmates sa Skin Rejuve at Dr. Guanzon Clinic na kilala sa larangan ng pagpapaganda, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit walang tulak kabigin sa ganda ang mga girl.”

Sa rami ng artistang hinawakan ni De Guzman tulad ng Baywalk Bodies, Milkmen, Wonder Gays, Ynez Veneracion, Hazel Espinosa  hindi malayong makamit ng Batchmates ang kasikatan.

Ang Batchmates ay masasabing “New breed of Filipina Performers”.

Sa lahat ng gustong malaman ang schedules at latest sa Batchmates pwede ninyo bisitahin ang kanilang Facebook Fan Page..Just type BATCHMATES and like..

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Batchmates just contact LDG Talent Management Services at phone no’s .441-1276/4136791/ 09158562896/ email address [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …