Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Greta, tulungan din kaya si Claudine sakaling makulong?

ni  Ed de Leon

KASABIHAN na nga ng mga matatanda, ”ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim”. Ngayon mukhang si Claudine Barretto naman ang napailalim nang sampahan siya sa Marikina Municipal Trial Court ng kasong robbery, dahil umano sa pagkuha niya sa cell phone at iba pang gamit ng mga rati niyang katulong sa bahay na sina Jeniffer Murillo at Malou Becher, na una niyang idinemanda at pinagbintangang nagnakaw ng mamahaling bag at painting sa kanyang bahay.

Ang kasong isinampa ni Claudine laban sa dalawang katulong ay ibinasura matapos na magharap ng testimonya si Raymart Santiago na ang nawawalang bag ay sa kanya, at dinala niya iyon nang layasan ang asawa. Hindi iyon ninakaw ng dalawang maid kagaya ng bintang ni Claudine. Ngayon, si Claudine ang nabalikan ng demanda, at sinabi ng abogado ng dalawa na desidido silang tapusin ang kasong iyan.

Nauna riyan, may isa pang alalay dati si Claudine, si Dessa Patilan na idinemanda rin niya at ipinakulong sa bintang na pagnanakaw. Walang malapitan dahil walang kaanak, 10 buwang nakulong sa city jail si Patilan dahil sa demanda ni Claudine. Naawa sa dating alalay ang aktres na si Gretchen Barretto, kaya inilapit niya iyon sa isang kaibigan niyang abogado at nagbigay pa ng piyansang P60,000 para iyon ay pansamantalang makalaya. Idinemanda rin ni Patilan si Claudine, dahil kinuha raw ng dating amo ang kanyang perang P10,000, isang tablet, at sim card.

Kakatuwa ang mga kasong iyan ha. Puro mga kilalang abogado ang naglalaban diyan. Iyong abogado nina Murillo at Becher ay si Atty. Quicho na kilalang abogado. Ang abogado ni Patilan ay si Atty. Alma Mallonga ng isang malaking law firm. Ang abogado ni Claudine ay si Ferdinand Topacio na abo-gado rin ng mag-asawang  Mike  at Gloria Macapagal Arroyo, at lahat ng mga abogadong iyan ay sinasabing nagbibigay ng kanilang serbisyo, pro bono.

Magandang subaybayan ang mga kasong iyan. Diyan sa mga lumalabas na iyan, ano kaya ang masasabi ng mga NGO at mga Womens’ group na sumusuporta noong una kay Claudine? Kung sakali ba at magkagipitan ay tutulungan din ni Gretchen si Claudine? Pipiyansahan ba niya ang kapatid niya?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …