ANG front door na palabas ang pagbukas ay hindi best feng shui para sa bahay o opisina. Gayunman, hindi ibig sabihin na ang buong bahay ay mayroong bad feng shui dahil ang front door ay palabas ang pagbukas.
Ang dahilan kung bakit ang best feng shui front door ay ang pintuan na ang pagbukas ay papasok ay dahil ito ay “nag-iimbita o humihila” ng Chi, o feng shui energy, imbes na itulak ito palayo. Ang front doors ay napakahalaga sa feng shui dahil sa pamamagitan nito ay nakasasagap ang bahay ng energy nourishment.
Ano ang maaaring gawin kung mayroong front door na palabas ang pagbukas? Mag-focus sa tatlong mahalagang feng shui steps:
*Bumuo nang malakas at walang sagabal na pathway patungo sa front door upang makahiyakat ng maximum good Chi. Kabilang dito ang malinis at maayos na curved pathway patungo sa front door, gayundin ng house numbers na malinaw na makikita mula sa kalsada.
*Bumuo ng strong feng shui front door. Ang ibig sabihin ay kailangan ng pintuan na may best color para sa feng shui direction nito, pintuan na mainam pagmasdan at maayos. Dapat ay walang kalat o basura-han o recycling bins sa labas o malapit sa front door. Ang strong feng shui front door ay may mainam na door hardware, maliwanag, etc.
*Magbuo ng strong feng shui energy sa main entry way at alamin kung paano gagabayan ang Chi, o feng shui energy sa buong kabahayan. Tiyakin na gagawin ang makakaya para mapalakas ang parating na enerhiya, gayundin ang pagda-loy nito sa buong bahay.
Kung susundin ang tatlong feng shui steps na ito, ang bahay ay sasagap nang higit na mainam na kalidad ng Chi kaysa bahay na may pintuang papasok ang pagbukas ngunit napapabayaan naman ang feng shui energy.
Lady Choi