GUMUGOL si Johannes Langeder ng anim na buwan para gumawa ng sarili niyang sports car na Porsche mula sa cardboard, o karton, at gold foil.
Simula pa noong 2010, minamaneho na ni Lange-der ang kanyang likha sa mga kalsada at lansangan ng Stuttgard. Hindi tulad ng £130,000 – halagang mechanical counterpart nito, ang cardboard car na uma-bot lamang sa £11,000 para buuin, ay may top speed na 10 milya kada oras (mph) at pinatatakbo sa pama-magitan ng nakatagong biskileta sa ilalim ng katawan ng sasakyan.
Sa ngayon ay tuwang-tuwa si Langeder, 48, sa kanyang life-sized pedal-powered eco-friendly car. Kamakailan, dinala niya ito sa kauna-unahang biyahe sa lungsod ng Hamburg, sa northern Germany at pinunto pa na bukod sa pagiging pinakatahimik na kotse sa lansangan, ito rin ay may zero emissions, kaya maituturing na ito ang pinaka-environmentally friendly na Porsche sa buong mundo.
“Mayroon itong 24 gear na talaga naman impresibong gamitin, at ang maganda pa’y hindi maitatanggi na Porsche pa rin ang minamaneho ko,” aniya.
Ilan sa mga special feature sa loob ng two-seater ay ang rear wing at malalaking air inlet sa front spoiler para makatulong sa aero dynamics at ‘para hindi rin pagpawisan ang dri-ver.’
Ang base ng kotse ay yari sa steel-frame subalit ang kabuuan nito ay gawa sa mga plastic tube, aluminium foil at maraming rolyo ng tape.