ANG Lo Shu Square ay sinaunang kasangkapan na ginagamit para sa divination ng sinaunang Chinese feng shui masters. Hindi ito bagay na direktang magagamit para mapagbuti ang feng shui sa bahay o opisina, kundi theoretical, o conceptual aspect na makatutulong na maunawaan ang development ng feng shui.
Ang bagua ay nag-evolve mula sa Lo Shu square, kaya mainam na unawain ang ugat nito at mga kaalaman.
Ang Lo (Luo) Shu Square, minsan ay tinatawag ding Magic Square, ay ugat din ng sinaunang feng shui astrology, ng flying star school Xuan Kong, gayundin ng I-Ching.
Ayon sa kwento, natamo ng sinaunang Chinese master ang kaalaman mula sa magic square mula sa pattern sa likod ng pagong. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa nasabing pattern, nakita niya ang malalim na pattern ng natural rhythms, o law of the Universe, alinsunod sa nakasaad sa Lo Shu square.
May ilang bahagyang magkakaibang kwento kaugnay sa iba’t ibang master, ang pinakapamoso ay ang tungkol kay Emperor Yu na naglalakad sa ilog (kaya ang ibig sabihin ng Lo Shu Square ay “The Scroll of River Lo”). Ang alamat na ito ay mula pa noong 650 BC, ang panahon ng great floods sa China.
Ang pagong na umahon mula sa ilog ay may unusual 3 x 3 pattern sa kanyang shell na kalaunan ay naging basehan ng Lo Shu Square, ang mathematical grid na ang sum ng mga numero mula sa bawat row, column o diagonal, ay magkakapareho.
Kahit anong direksyon i-add ang mga numero – horizontal, vertical o diagonal – ay palaging 15 ang resulta.
Ang number 15 ay ikinokonsiderang powerful number dahil ito ay tugma sa bilang ng mga araw sa bawat 24 cycle ng Chinese solar year. Sa madaling-sa-lita, ito ang bilang ng mga araw sa cycle ng new moon hanggang full moon.
Lady Choi