RECORD year ngayon taon para sa ilang kababaihan na nasa listahan ng Forbes na Top 10 na Bilyonarya sa mundo. Narito sila . . .
Johanna Quandt
Net Worth: US$12.8 bilyon
Bansa: Germany
Si Johanna ang kauna-unahang secretary at ikatlong asawa ng yumaong Herbert Quandt na siyang sumaklolo sa automaker na BMW mula sa muntik na pagkalugi.
Laurene Powell Jobs
Net Worth: US$14 bilyon
Bansa: United States
Si Powell Jobs ang pinakamalaking indibidwal na shareholder sa Disney. Bilang pinuno ng trust na may dala ng kanyang pa-ngalan, pinanga-ngasiwaan niya ang mahigit sa 130 milyon share sa nasabing entertainment company, na iniwan naman sa kanya ng kanyang yumaong mister na si Steve Jobs.
Anne Cox Chambers
Net Worth: US$15.5 bilyon
Bansa: United States
Majority owner ng pribadong media conglomerate na Cox Enterprises, na kanyang minana mula sa kanyang amang si James M. Cox, nananatiling nakaupo si Chambers sa board of directors ng kompanya sa edad 94-anyos. Naging ambassador sa Belgium sa ilalim ni US President Jimmy Carter at may hawak na titulong French Legion of Honor.
Abigail Johnson
Net Worth: US$17.3 bilyon
Bansa: Estados Unidos
Si Abigail Johnson ang presidente ng Fidelity Financial Services at front-runner din para sa chief-executive-officer (CEO) ng Fidelity Investments nang bumaba sa puwesto ang kanyang amang si Edward ‘Ned’ Johnson. Ang Fidelity ang pa-ngalawa sa pinakamala-king mutual fund company sa U.S. na may asset na US$1.67 trilyon sa ilalim management nito.
Susanne Klatten
Net Worth: US$17.4 bilyon
Bansa: Germany
Ang pinakamayamang babae sa Germany ay may-ari ng halos 50 porsyento ng automaker na BMW kasama ang kanyang kapa-tid na lala-king si Stefan Quandt at kanyang inang si Johanna Quandt (na pareho din niyang mga bilyonaryo). Isang ekonomista, hawak ni Klatten ang chemical manufacturer na Altana.
Gina RineharT
Net Worth: US$17.7 bilyon
Bansa: Australia
Ang pinakamayamang indibiduwal sa Australia ay sinasabing pinakamalaki din private taxpayer. Nag-ugat ang kanyang yaman mula sa mga proyektong iron ore at uling (coal) sa kanluran at hilagang Australia na nadiskubre ng kanyang ama. Sa nga-yon ay may labanan sa korte ukol sa family trust ng 3 sa kanyang apat 4 na supling.
Jacqueline
Badger Mars
Net Worth: US$20 bilyon
Bansa: United States
Siya ang ikatlong henerasyong tagapagmana ng Mars, ang pinakamalaking kom-panya ng candy sa buong mundo na may bentang US$33 bilyon. Minana niya ang kompanya kasama ang dalawa niyang kapatid na lalaki nang pumanaw ang kanyang amang si Forrest. Sa US, gumagawa ang Mars ng mahigit 400 milyon ng sikat nitong M&M araw-araw.
Alice Walton
Net Worth: US$34.3 bilyon
Bansa: United States
Anak ng Wal-Mart founder na si Sam Walton, sinasabing lumilikom siya ngayon ng pondo para sa potensyal na pagtakbo ni Hillary Clinton sa 2016. Bilang pinakamalaking philanthropist ng pamilyang Walton, ipinamahagi niya ang mahigit US$2 milyon noong 2012 para suportahan ang ilang mga inisyatibo ng charter school.
Liliane Bettencourt
Net Worth: U$34.5 bilyon
Bansa: France
Naalala si grand dame ng L’Oreal na si Liliane Bettencourt ang top spot kay Walton subalit siya pa rin ang ikalawang pinakamayamang babae sa mundo. Ngayong taon ay lalo pa siyang yumaman, salamat sa stock price ng French cosmetics giant na tumaas ng 9 na porsyento simula pa ng 2013. Hindi na nga lang siya sangkot sa pagpa-patakbo ng kompanya.
Christy Walton
Net Worth: U$36.7 bilyon
Bansa: United States
Nakuhang muli ni Christy ang top spot bilang pinakamayamang babae sa mundo. Minana niya ang kanyang yaman nang pumanaw ang kanyang asawang si John Walton noong 2005. Nakatulong sa pagtaas ng kanyang net worth ang mga share niya sa First Solar, na tumaas ng 47porsyento sa nakaraang taon.
Kinalap ni Sandra Halina