ALAM kaya ni PNP-NCRPO chief, Gen. Carmelo Valmoria na mayroong isang grupo ng mga ‘hoodlum’ na namamayagpag ngayon sa Pasay City, at inaagaw ang KTV/club sa mga kasalukuyang operator?!
Kung tawagin daw ang grupo na tila Yakuza Gang sa paghahasik ng terorismo sa mga KTV/club ay Ex-Konsuhol ‘este’ konsi Bul ‘ol.
(Take note: hindi po ‘yung si Bul ‘ol na Ifugao Rice God).
Gaya na lang po ng isang club (MS. U) na matagal nang ipinasara mismo ni Vice President Jejomar Binay dahil sa malalang paglabag sa human trafficking at nahulihan pa ng guest relations officer (GRO) na menor de edad.
Nagbukas na naman po ang nasabing KTV/club at ang management/financier ay isang Japanese national.
Simpleng-simple lang ang sytle ng grupong Ex-Konsi Bul ‘ol. Mayroon silang mga gwardiya at goons sakay ng isang pick-up na sapilitang pumapasok sa mga KTV/club na gusto nilang i-takeover.
Ang dala ng kanilang mga gwardiya at goons at baseball bat, baril at iba pang armas.
Kamakalawa ng gabi, ipinagmalaki ng grupo nina Ex-Konsi Bul ‘ol na tumosgas sila ng P300,000 para ipanghatag sa Pasay police.
Take note: PNP Pasay Chief Kernel Ortilla, nasasabit ang opisina mo sa usapin ng Ms. U Club!
Tapatan na lang daw ang TOSGAS nila kung gustong maibalik ang operation ng grupo sa dating management.
Kaya nang pasukin nila ang nasabing KTV/club, pinagwawasak nila ang mga gamit, kinulimbat ang P700K revolving fund sa safety vault mismo ‘e walang nagrespondeng pulis.
Ayon sa ating source, KASABWAT ng grupo ni Ex-Con Bul ‘ol ang isang alyas Bernard Golden at Japanese fugitive na si AKIBA sa panloloko sa Japanese investors.
Umaatungal pa nga raw sa kaiiyak hanggang ngayon ang isang Jack Ramos at Mr. Suzuki na kabilang sa mga naloko ng grupo nina Ex-Con Bul ‘ol at Akiba.
NCRPO chief, Gen. Valmoria Sir, meron ka pa bang pulis sa Pasay City?!
Nai-report na ba sa inyo ang insidenteng ‘yan nitong nakaraang Sabado ng gabi?
Paki-check na nga po at baka nagtayo na ng sariling POLICE HEADQUARTERS ang grupo nina Ex-Con Bul ‘ol at Akiba?!
Check-check rin po kapag may time!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com