Friday , November 22 2024

Maling sistema sa payment ng Immigration Visa fees (Paging: COA)

00 Bulabugin JSY
MARIING binabatikos ng mga foreigner ngayon na nag-a-apply ng kaukulang visa maging ito man ay immigrant o non-immigrant visa ang pagbabayad nang buo or complete payment kahit hindi pa naaaprubahan ng Bureau of Immigration – Board of commissiones ‘este’ Commissioners (BI-BOC). Para sa kanila, isang malaking ‘raket’ o ‘hold-up’ ang ginagawa sa kanila na ang isang visa applicant ay pagbabayarin agad ng full payment at pagkatapos ay made-deny lang at mapupunta sa wala.

Ang ganitong baluktot na sistema ay sinimulan noong kapanahunan ni Ex-BI Commissioner Ric David Dayunyor base sa sulsol ‘este’ recommendation ng kanyang advisers na wala namang alam gawin kundi ang ikanal siya. Nakapagtatakang ini-adapt pa rin ngayon ng kasalukuyang administrasyon ni BI Comm. Fred Mison ang sistemang ito.

Obviously, ang sistemang ito ay ginaya sa US embassy kung saan magbabayad muna ng application fee na $800 ang isang aplikante at kapag ito ay na-deny sa interview ay babayu na ang kanyang $800 application fee. Pero sa totoo lang, hindi dapat gayahin ang ganitong pangit na sistema. Kung susuriin, ang nakalagay sa Official Receipt (OR) ng banko kung saan nagbayad ang isang applicant ng US visa, ang nakalagay ay “filing fee” lamang at ang isang foreigner naman na nag-apply sa BI ng immigrant or non-immigrant visa ay “naka-itemize” lahat doon ang binayaran gaya ng filing fee, implementation, l-Card, legal research fee at kung ano-ano pang fees.

Ang siste, kapag na-disapprove ito ng BI-BOC ay hindi naman nila naibabalik ang sobra sa kanilang siningil sa mga visa applicant. Tama ba o mali ang analysis natin, Madam or Sir na resident auditor ng Commission of Audit sa Bureau of Immigration?

Ang isa pang tanong, bakit po pinapayagan ng COA ang ganitong sistema na animo’y raket o hold-up ng Bureau of Immigration?

It seems may mental lapse ang resident auditor ng BI-COA and I think they are not doing their job!? Bakit hindi magawang tularan ng BI ang sistema ng DFA na dalawang beses dumaraan sa reviewer ng documents ang isang aplikante ng passport at kapag wala nang problema sa mga isinumiteng dokumento ay saka lamang babayaran sa kanilang cashier at ang last phase ay ang photo-capturing na ibig sabihin ay tapos na ang kabuuang transaction.

Sa nangyayaring sistemang ito ngayon sa BI ay lalo lang pagmumulan ng red tape dahil bago matapos ang isang transaction ay katakot-takot ang dinaraanang proseso at lagayan at sa bandang huli ay made-deny rin pala ang kaawa-awang visa applicant.

BI Comm. Fred Mison, I think it’s about time that you seriously look-up on this matter. Hindi ba mas magiging maganda ang iyong magiging legacy kung maiaayos mo ang isa sa maling sistema ng ahensyang iyong pinamumunuan?

And with regards to the resident auditor of BI- COA, baka naman po pwedeng imulat n’yo ang inyong mata, buksan ang inyong mga tenga at mag-obserba sa mga nangyayaring kapalpakan diyan sa BI. Nakahihiya naman, kung kami pa po ang nagpapaalala sa inyo ng inyong dapat gawin gayong hindi naman namin trabaho ‘yan!!!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *