Friday , November 22 2024

Na-bukayo na nang husto ang National Bilibid Prison

00 Bulabugin JSY

MUKHANG napagod nang magpalit ng DIRECTOR si Justice Secretary Leila De Lima para Bureau of Corrections (BuCor) ang direktang namamahala sa National Bilibid Prison.

Sa ilalim ng termino ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, tatlong beses nang nagpalit ng director ang BuCor. Una ay si dating police general Ernesto “Totoy” Diokno, sumunod si Gen. Gaudencio Pangilinan at ang kasalukuyan nga ay si  Gen. Franklin Bucayu.

Sina Diokno at Pangilinan ay kapwa nasibak dahil umano sa mga iregularidad na namamayagpag sa loob ng Bilibid at nagaganap sa mismong ‘tungki ng ilong’ nila.

Kabilang sa mga iregularidad na ‘yan ang pagkakaroon ng mga sariling kubo ng mga bigtime prisoner, malayang pagpasok ng mga ‘dalaw’ na bebot, iba’t ibang uri ng alak, may nakalulusot na shabu at iba pang uri ng bisyo. At ang nabistong paglalabas-masok sa bilangguan ni dating Batangas Governor Antonio Leviste.

Sa ilalim naman ng pamumuno ni Director Bucayu, ilang insidente na ba ang nabalitaan natin na talaga namang kagulat-gulat gaya ng paghahagis ng Granada sa isang tarima.

At ito ngang pinakahuli ‘e ang basketball na  naging rambol at saksakan ng mga Sputnik at Batang City Jail.

Pero ang ipinagtataka natin, hind naiisipan ni Madam Leila na palitan si Director Bucayu.

Samantala sina Diokno at Pangilinan, isang beses lang pumalpak, sibak agad!

Bago nga ang rambol sa basketball, pumutok ang balita na ang Bilibid ngayon ay tila isa nang high-end subdivision.

Mismong taga-DoJ mismo ang nagsasabi nito.

Subukan n’yo raw pumasok ngayon sa Bilibid at makikita ninyo ang mayayamang preso na gumagamit ng golf carts, electric motorcycles at tricycles sa loob ng 12-hectare penitentiary. Mga high-end gadgets gamit din ng ilang mayayamang preso.

Tuloy pa rin umano ang sex trading, drugs and liquor.

Hindi raw kukulangin sa 50 golf carts ang nasa compound. Kung paano ito naipasok, ‘yan ang tanong na dapat sagutin ni Director Bucayu.

Pero nagsimula umano ito noong panahon ni Pangilinan.

Ayon sa source, “Ang BuCor employees ay may ginagamit na two golf carts. Inmates na rin ang nagda-drive ng golf carts. Ang mga bisita ay pwede rin umano gumamit.”

Kung gusto ng makwartang prisoner na umikot sa buong compound  na sakay ng golf cart ay pwedeng-pwede, na para bang nasa Tagaytay lang siya.

‘Yung mga prisoner na mayayamang Intsik ay kumukuha ng driver na inmate din.

Karamihan sa mga nagmamay-ari ng golf cart o electric motorcycles ayon sa source ay  convicted sa kasong drug trafficking at robbery.

Kung ang mahihirap na preso ay nakasuot ng kulay orange na uniporme, ang mayayamang inmate ay nakasuot ng branded t-shirts na pasalubong sa kanila o binili sa dress shop.

Hindi na rin umano nakapagtataka na sa loob ng Bilibid ay mayroong dress shop, wet & dry market, fruit stands, jazz bar, plaza at tennis court.

Ang magiging problema lang ng isang pangkaraniwang preso ay kung wala siyang kwarta pero lahat ‘yan ay mukhang ginawa para sa “convenience” ng mayayamang preso.

O saan ka pa, Secretary Leila?!

Kaya nga nagtataka ako sa mga nakahabla ngayon lalo na ‘yung mga sangkot sa pandarambong sa pondo ng bayan kung bakit ayaw pang magpaderetso sa Bilibid gayong pwede nilang gawin ang ano mang gusto nila …

Aba huwag kayong matakot, ang Bilibid ngayon ay tila isa nang high-end recreation facility.

‘Di ba Secretary Leila?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *