Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang utang na loob! Onyok nilapastangan ang inang si Rosanna Roces sa national TV

ni  Peter Ledesma

Kung ang ibang mga kasamahan sa hanapbuhay ay sumasang-ayon sa ginawang pasabog ni Onyok Adriano sa sariling ina  na si Rosanna Roces, na tinira-tira talaga ni Onyok si Osang at ibinukong nagdo-droga ang actress at ginugulangan sila sa pera. Ang inyong columnist, ay hindi pabor sa ginawa ni Onyok na lantarang sinira on national television ang kanyang nanay. Da height, may dialogue pa siyang (Onyok)  hindi na raw niya kayang patawarin si Osang at pati raw ang kapatid na si Grace ay lumayo na rin dahil hindi na ma-take ang pinaggagawa sa buhay ng kanilang mother. Oo nandoon na tayo, mali na kung mali ang ginagawa ni Rosanna. Pero  tama ba na kondenahin siya sa TV ng anak. Ang pangit ng dating na ang babaeng nagluwal at umaruga sa ‘yo ay nilalapastangan mo sa harap ng publiko. Bakit? Noong time naman na sikat pa si Osang at namumutiktik sa dami ng salapi ang actress hindi ba’t nagbuhay prinsipe at prinsesa naman itong sina Onyok at Grace. Ngayong walang-wala na imbes na tulungan nilang makabagon ay sila pa mismong mga anak ang naglulugmok. Sa palagay ba ni Onyok, ngayong ibinulgar niya ang baho ni Osang ay instant mababago na niya ito? Sana dahil pamilya naman ay sila-sila na lang ang nag-usap at nag-ayos nito. Kay Rosanna naman  dapat ay huwag na siyang mabuhay sa nakaraan at tanggapin na  ang sitwasyon nga-yon kung sino siya. Habang may buhay, may pag-asa gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …