MERON na naman bagong isyu na kinakaladkad si Konsehal Bernie Ang.
Habang nasa Hong Kong daw siya at nakikipag-negotiate tungkol sa hostage crisis (isyung kalansay na pilit ibinabangon sa hukay) ay mayroon naman daw nagaganap na harassment sa foreigners (Chinese nationals) sa ating bansa.
Ito ang eksaktong sabi ni Ang, “At a time when we are negotiating with Hong Kong on the hostage crisis, here we are harassing foreigners.”
Hindi natin alam kung ano ang gustong maging epal este papel ni Bernie Ang sa administrasyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.
Gusto ba niyang maging foreign affairs secretary at patuloy niyang pinakikialaman at pinanghihimasukan ang isang patay nang isyu pero pilit niyang binubuhay?!
Ngayon maging ang trabaho ng Bureau of Immigration ay pinakikialaman niya.
Bakit kapag may hinuhuling Pinoy sa ibang bansa lalo na sa Hong Kong at sa China, hindi ganyan katindi ang reaksiyon niya?!
Ano bang meron sa mga pinaghihinalaang illegal Chinese traders at pilit na ipinagtatanggol ni Konsehal Bernie Ang?!
Konsehal Bernie Ang, baka nalilimutan mong ang nagpapasweldo sa iyo ay mga taxpayer ng Maynila.
Kaya hinuhuli ‘yang illegal Chinese traders dahil nagnenegosyo sila nang hindi nagbabayad ng buwis. Ibig sabihin, pinagkikitaan nila ang mga Pinoy pero hindi sila nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Mahirap bang intindihin ‘yan Konsehal Bernie Ang?
Pinoy ang nagpapasweldo sa iyo hindi Illegal Chinese traders …
O baka naman nakikinabang ka sa kanila?!
Paki-EXPLAIN!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com