Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Honesto number 1 pa rin, katapat na kambal sirena inilampaso nang todo sa rating! (Honest to promise!)

ni  Peter Ledesma

HINDI natinag sa number one spot ang Honesto, sa kabila ng pagtapat ng programang Kambal Sirena noong Lunes.

Base sa nationwide rating ng Kantar noong Monday, milya-milya pa rin ang layo ng Honesto with 32.4% laban sa 18.1% ng Kambal Sirena.

At naturingang pilot episode pa ng katapat na programa sa kabila. Malinaw na hooked ang buong bansa sa kuwento ni Honesto sa huling tatlong gabi nito. Napakaganda ng episode ng Honesto noong Monday. Na-witness ni Diego (Paulo Avelino) ang paglaki ng ilong ni Honesto at ito na ang patunay na mag-ama nga sila. Marami ang naantig sa napakahusay na performance ni Paulo sa nasabing eksena nila ni Raikko Matteo. Sa pagkikita ng mag-ama, paano makababawi si Diego kay Honesto at sa mga pagkukulang sa anak kung isa na na siyang fugitive? Kaabang-abang ang huling linggo ng Honesto na magtatapos ngayong Friday, March 14 kaya’t huwag bibitaw. Mapapanood ito pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida ng Kapamilya network.

DARIUS RAZON BALIK RECORDING AT MAY BIRTHDAY CONCERT BUKAS NG GABI SA BAGABERDE

Sumikat nang husto ang pangalan ni Darius Razon noong era nina Nora Aunor at Gov. Vilma Santos.

Aba, noong time niya ay hukbo-hukbo rin ang mga tagahangang nagmamahal at sumusuporta sa career ni Darius na pumutok ang pangalan during 70’s dahil sa phenomenal song na “Everybody Knows.” Naging kalabtim noon ng debonaire singer (Darius) sina Rhodora Silva at Geraldine. Dahil sa taglay na kagwapohan marami ang nagpantansiya sa kanya. Pero mas pinilli ng singer ang matahimik na buhay kaya non-showbiz ang babaeng kanyang pinakasalan. Nagkaroon siya ng dalawang anak na pareho  nang namaalam sa mundo dahil sa trahedya. Mahirap para kay Darius na tanggapin ito kaya medyo nag-lie-low siya sa showbiz at mas minabuti na lang na maglingkod bilang councilor sa lugar nila. Dahil sa kaway ng showbiz at first love talaga ang pagkanta ay naisip ni Dada (tawag ng mga taong close kay Darius) na mag-comeback at ngayon ay may bago siyang CD album kung na ang carrrier single ay ang pinasikat na “Everybody Knows” na nilapatan ng bagong lyrics at ginawang mas makabago ang melody. Ipinarinig na ito ni Daruis sa isang event na dinaluhan namin at maganda ang response ng crowd sa kanta.

By the way, bukas ng gabi ay magdaraos ng 2-in one celebration si Darius. Yes mapapanood n’yo siya tonight sa kanyang Birthday Concert cum Album Launching sa Bagaberde Events Venue and Restaurant and Bar sa Boom na Boom Grounds, Gil Puyat Ave., cor. Roxas Blvd Pasay City. Ito ay hatid ng Sunrays Production. Maraming surprise na celebrity guests at marami sa kanila ay malapit kay Darius. Mabibili ang tickets sa mismong venue sa halagang 400.

MGA LOLO DI NAGPAPATALO SA MEMORYA NG MGA APO SA “PINOY HENYO”

Hanep naman ang mga lolong sumasali sa “Pinoy Henyo Ang Lolo Ko” Edition. Yes, ipinapakita ng mga daily contestant dito na kahit mga elder na sila ay hindi pa rin mapurol ang kanilang utak at matatalas pa rin ang memorya. Last week nang ilunsad nga ang nasabing edition ay nakuha ni Lolo Badong kasama ng kanyang apo ang jackpot prize na P70K. Well, hindi naman kasi porke matanda ay ulyanin na. Depende pa rin siyempre ‘yan lalo na sa mga nag-iingat sa kanilang katawan. Nakaaaliw panoorin ang mga lolo na kalahok dahil maporma pa ang ilan sa kanila. By the way, maganda ang feedback sa viewers lalo na roon sa mga walang lolo. Dahil sa panonood nila ay naaalala nila ang magagandang samahan with their grandfather lalo na kung laki sila rito. Araw-araw ay dinudumog ang audtion ng “Pinoy Henyo, ang Lolo Ko” sa Broadway Studio sa Broadway Centrum sa Aurora Blvd., tapat lang ng LRT station.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …