ISANG website (www.manilatonight.com) ang nagkakamal ngayon ng sandamakmak na kwarta dahil sa pag-a-advertise ng malalaswang serbisyo na iniaalok ng iba’t ibang SPA-KOL sa Metro Manila.
Ang website na ito ay mina-manage umano ng isang Christopher Villarin na ang bank account ay Bank of Philippine Island 1990013388.
Ang serbisyong iniaalok ni Villarin sa mga may-ari ng SPA-KOL ay i-advertise ang mga ‘kakaibang servicio mundial’ sa pamamagitan ng kanyang website.
Please take note QCPD district director Gen. RICHARD ALBANO!
Namumunini Gen. Albano ang mga SPA-KOL sa area of responsibility mo.
Pinakasikat na SPA-kol sa website na ito ang SHANANA SPA na matatagpuan sa Banawe St., Nakalatag ang telepono bilang 523.89.15. Len SPA sa Kalayaan Road, d’yan sa Diliman, Quezon City.
Ang Ameca SPA sa D. Tuazon, Daiyamondo SPA sa N.S. Amoranto, at Solace SPA sa Libis.
Nagsosolo naman sa West Ave. QC, ang TOUCH of SIAM na may mobile number na 0932-885-795 at landline na 415.05.64.
At para naman kay Paranaque Mayor EDWIN OLIVAREZ: Hindi rin pahuhuli ang The TRAVELER’S SPA sa Sucat Road, Parañaque, Olivarez Plaza, Ninoy Aquino Ave., San Dionisio, Parañaque City.
Pwede raw silang makontak sa 668.74.50.
Kay Makati Mayor Junjun Binay: Sa Makati City, naririyan ang sikat na sikat na STARGATE SPA sa 3/F Carmen Bldg., Pasong Tamo Ave., cor Fernando St., MIRAGE SPA sa Granda St., at Bellagio SPA sa P. Burgos Ave.
Ang Berkeley SPA sa Ortigas Center sa Emerald Ave., at Dictum’s SPA sa Marcos Highway.
Meron din sa Malabon City, ang Scent of Siamese sa McArthur Highway.
Last but not the least sa Pasay City, ang Suenos SPA sa HK Sun Plaza, sa Macapagal Blvd.
Ano-ano ang serbisyong iniaalok?
Heto ang mga pamosong serbisyo sa ‘SPAKOL JARGON’ – bj plus daty, diamond massage, quick wash, sensation massage, shower together, buko juice, ahasin mo ako, boobs massage, fireworks at body to body massage.
PAGLILINAW po …hindi ko inilabas ang mga SPA-KOL na ito, ang numero nila at ang mga serbisyong iniaalok nila para i-promote ang mga kababuyan d’yan gamit ang mga menor de edad na babae.
Inilalabas ko ang mga detalyeng ito bilang ‘TIP’ sa mga awtoridad para matigil na ang illegal na human trafficking na bibibiktima ang mga kabataang kababaihan.
Paging PNP-CIDG-WACCO, NBI VAWCD & ANTI-CYBER CRIME UNIT!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com