LANTARAN pa rin at talamak ang bentahan ng SEX GADGETS at mga gamot na pampatigas daw, at pampalaglag sa paligid ng simbahan sa Quiapo, Maynila dahil protektado ng isang tulis ‘este’ pulis na isa sa sinasabing kotong cops sa Manila City Hall.
Parang kending naka-display ang mga maninininda ng sex gadgets dahil may tongpats na lespu.
Malaki raw kasi ang timbre at hatag kay alyas Tata Sal-Salasar kaya malakas ang loob at garapalan na ang bentahan ng sex toys.
Ang lakas pang manindak ni Tata Sal-Salasar sa mga vendor na hindi pwedeng mag-pass sa kanilang kolektong para sa City Hall kundi ay wawalisin raw sila.
May dalawang aso si Tata Sal-Salasar na taga-City Security Force bilang kolektong n’ya sa Quiapo.
Sonabagan!
MASA Head Major Bernabe Irinco, pumapayag ka ba na may tauhan ka na notoryus sa kolektong diyan sa Quiapo?
O baka naman may basbas mo ang ilang kotong cops diyan sa sa opisina mo!?
Pakisagot nga!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com