Thursday , November 14 2024

Unang Aray (Memorabol kay Inday) (Part 25)

NAGTAKA AKO DAHIL SA LAHAT NG GASTOS SA AMING PAMAMASYAL AY SI INDAY ANG SUMASAGOT

“Aalis akong nagmamahal sa ‘yo,” aniyang nakatitig sa aking mukha.

“B-babalikan mo ako… Makaraan ng isa o dalawang taon?” tanong ko.

Nagyuko ng ulo si Inday. Napansin kong pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Yumakap siya sa akin, mahigpit na mahigpit.

“Lumilipas at kumukupas ang lahat. Kaya sa ngayon, ang mahalaga lang sa akin ay ang ngayon,” aniyang sinisikil ang paghikbi.

“K-kinakailangan mo ba talagang umalis?”

Sa halip na sumagot, kinuyumos niya ng mariing halik ang mga labi ko. Kakaiba ang init ng kanyang mga halik. Dama ko ang kaluwalhatian ng pag-ibig. Tagos ‘yun sa aking puso hanggang kaluluwa.

Umaalis si Inday tuwing umaga kasama ang kanyang ermat at erpat. Sa bandang hapon, kaming dalawa naman ang magkasama. Pero bago ang gala kung saan-saan, inuuna muna namin ang pagsisimba sa Baclaran, Quiapo o Sto. Domingo Church.  Halos araw-araw ‘yun. Tulad nang dati, naka-lipstick siya ng pula. Naka-shade ng itim. At balot ng bandana ang ulo.

Minsan, nagpasama siya sa akin sa bangko. Nag-withdraw ng malaki-laking pera. Bahagi ‘yun ng ipon niya sa dalawang taong pagkakarinderya. Dahil alam na mahigit isang linggo pang walang pasok sa eskwela, nagyaya siyang mag-Boracay kami. Matatanggihan ko ba siya? Tapos, nagpunta rin kami sa Chocolate Hills sa Bohol. Nag-beach din kami sa Twin Lagoon sa Palawan. Gusto pa sana niyang mag-Baguio pero nang paalis na kami ay nanamlay ang katawan niya. Ako na ang kumansela sa lakad namin. Pero nang sumunod na araw ay naisipan naman niyang mamasyal kami sa Puerto Azul sa Tarnate, Cavite. Ang lahat ng na-ging gastos namin ay galing sa kanyang bulsa.

“Nag-withdraw ka ng pera para lang makapaglakwatsa tayo?” nasabi ko sa sunud-sunod na pagbibitiw niya ng malaki-laking ha-laga sa bawa’t lakad namin.

“Ano’ng gusto mo, i-kwadro ko? Liligaya ba ako kung mamahalin ko ang pera?” katwiran ni Inday. “Ikaw, nag-enjoy ka ba?”

“Over-over,” tango ko.

Isang araw ng Miyerkoles ay hindi kami nagsimba sa Baclaran. Pumalya rin kami sa Quiapo Church nang sinundang araw ng Biyernes. Nagpadala ako sa kanya ng text message ng Linggo: “Ask q lng f smba tau Sto. Domingo, 2loy psyal.”

“’Wag na u punta ngaun,” ang mensahe niya sa text na pinadala sa akin.

“Bkit?” agad kong nai-text.

“Kc  phinga me 2day,”  ang reply niya.

Nagpunta pa rin ako kina Inday pero hindi sa kanilang bahay. Doon ako nananghalian sa Yadni’s Karinderya. Kain lang talaga ang sadya ko. Paglabas ko roon matapos kumain, napansin ko na may kotseng nakaparada sa tapat ng bahay nina Inday. Pagdaan ko, tiyempo naman sa pagbaba sa kanilang hagdanan ng lalaking naka-long sleeves na polo at nakakurbata pa. (Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *