HINDI na naman natin makita ang LOHIKA kung bakit pinagbabayad ng Mayor’s Permit ang mga negosyante sa Maynila.
Pero pagkatapos nilang magbayad ng almost 300 percent increase ‘e saka nila malalaman na temporary business permit lang ang ibibigay sa kanila.
To follow na lang daw …
Ang rason: hindi pa raw nila natatapos ayusin ang ‘computer system’ nila.
Ano ba ‘yan, dalawang buwan na lang isang taon na kayo sa city hall pero hanggang ngayon ‘e hindi pa ninyo alam kung ano ang mga dapat unahin sa mga trabaho ninyo?
Inihuli pa ninyo ‘yang mga negosyante!
‘E pwede bang tanggapin sa ibang ahensiya ng gobyerno ‘yang temporary business permit ninyo?
Tsk tsk tsk …
Kahit daw kasi walang alam iniuupong hepe ng departamento? Pati tuloy ang episyenteng taxpayers ‘e sumasakit ang ulo …
Ano ba ‘yan mga bata mo, Erap!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com