HINAYAG ng social networking site na Facebook at Twitter na nakatakda silang maglabas ng bagong mga feature na para lamang sa mga Pinoy netizens na makatutulong sa kanilang labanan o maiwasan ang online libel.
“Kapag may nag-type sa Filipinas ng posibleng libelous status update, made-detect ito ng Facebook algorithms at magsa-suggest ng alternatibong post na maaaring ikon-sidera ng user,” ulat ng Facebook sa karagdagan ng kanilang help page kamakailan.
Ayon sa help page, pipilitin ng Facebook na maging makabuluhan ang mga suhestyon nito kaugnay ng mensahe na nais ilagay o i-post, subalit kung minsan din ay iibahin o ire-rephrase ang inyong status update ng kabuuan kung ang sinasaad nito ay tunay na libelous.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang higanteng social networking site ay nagsagawa ng isang feature para lang sa iisang bansa.
“Nagdesisyon kaming idagdag ang feature na ito para maprotektahan ang aming mga users laban sa tiranikal, opresibo at backward-thinking na mga politiko sa Filipinas,” paliwanag ni Facebook CEO Mark Suckerberg.
Idinagdag pa nito, “Kapag niruruyakan ang imahe ng politiko at kapalaluan ng mga halal na opisyal ang kalayaan ng pagpapahayag (freedom of expression) ng masa, alam mong may mali sa bansang nagsasabing ito ay isang demokrasya.”
Ang bagong feature ay ilalabas pa lang kung kaya hindi pa ito available sa nais makagamit nito. Sinusubok muna ng Facebook ang mga feature sa ilang mga yugto upang hindi ito tamaan ng hindi inaasa-hang bug para mapinsala ang buong network. Gayunpaman, maaari maging available sa mga Pinoy netizens sa susunod na ilang linggo.
Kaakibat nito, hinayag din ng Twitter na maglalabas sila ng bagong mga feature para maging “online-libel-proof” ang tweet ng mga Pinoy.
Sa kanilang tweet, inanunsyo ng microblogging service site ang mga bagong feature na makakapagbigay proteksyon sa ‘freedom of expression’ ng mga Pinoy Twitter user. Nagtapos ang anunsyo sa hashtag #Ironic dahil nagdiwang din ang bansa ng ika-28 anibersaryo ng Edsa People Power Revolution.
Asahan ng mga Pinoy netizens ang sumusunod na mga feature kapag nag-compose sila ng tweet:
Ang “Twitter Sarcasm Font” – Isang espesyal na font na papalit sa na-default kapag naka-detect ang server ng bahid ng sarcasm sa tweet. Awtomatikong papalitan nito ang typeface bago mai-post sa inyong timeline. At para makasiguro pa, ang sarkastikong kataga ay magkakaroon ng ibang font at magiging boldfaced.
Ang “Twitter Auto-Rephraser” – Ang bagong feature na ito ay magre-rephrase ng inyong libelous tweet sa non-libelous tweet. Kung ang orihinal na intensyon ng tweet ay para siraan ang isang indibid-wal, ire-rephrase ito. Makakasalba ito sa inyo ng panahon at salapi para idepensa ang sarili sa korte.
Ang Automatic “With All Due Respect” Hashtag Inserter – Gaya ng sinasaad ng pangalan nito, awtomatikong isisingit ng Twitter ang #WithAllDueRespect hashtag sa simula ng inyong mga tweet para maalis ang alin mang malisyosong intensyon na maaaring tinatangkilik laban sa ilang mga halal na opisyal.