Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang Aray (Memorabol kay Inday) (Part 23)

VIRGIN PALA SI INDAY PERO HINDI KO LUBOS MAISIP KUNG BAKIT BIGLA SIYANG BUMIGAY SA  AKIN

 

Sa bilis ng mga pangyayari, sinturon lang ng pantalon ang nahubad ko sa pag-aapurang maselyuhan ang aming pag-iibigan. At naganap ang ‘di ko inaasahan maging sa aking panaginip.

Para akong solo winner ng jackpot sa lotto na tahimik na nagbunyi. Virgin si Inday!

Naisip ko, bakit nga ba karamihan sa mga kalalakihan ay virgin ang gustong maging syota at mapangasawa? Pero bakit ang mga kababaihan ay tila walang pakialam kahit dose-dosenang babae na ang natikman ng lalaki?  Pero ang talagang hindi ko maubos-maisip, bakit biglang bumigay si Inday?

Hindi na nagpahatid sa akin si Inday sa kanyang pag-uwi. Pag-alis niya, inayos ko ang nagkagusot-gusot na kubre-kama ng aking higaan. Bigla akong natigilan. Maraming hibla ng buhok sa unan at kutson ko. Talaga bang nalulugas na ang buhok ko?

Umagang-umaga kinabukasan ay nag-text sa akin si Inday. Ipinaalam sa akin na may personal siyang lakad. Hindi naman nabanggit sa akin kung saan at kung ano ‘yung personal na bagay na lalakarin niya. Dakong alas-kuwatro ng hapon nang muli siyang nag-text. Nasa bahay na raw siya at nagpapahinga. Hindi ko na siya inistorbo. Naglagi lang ako sa loob ng inoo-kupahang kuwarto. Binalik-balikan sa isip ang namagitan sa aming dalawa nu’ng nagdaang araw. Sa imahinasyon, wari’y ibayong tamis ang nalasap ko sa pagbabalik-gunita sa buong puso’t kaluluwang pagpapaubaya sa akin ni Inday ng kanyang katawan. Nasabik tuloy akong magkita kaming muli.

Tatlong sunud-sunod na araw na hindi kami nagkita ni Inday. Sa mga pagkakataong ‘yun, sinabi niya sa text na may importante siyang lakad. Lagi nang bandang hapon ang uwi niya. Nang mananghalian ako sa kanyang karinderya, nabanggit ni Manang na nagpunta siya sa isang doktor.

Tinawagan ko si Inday sa cellphone.

“Sa pinsan kong doktor na balik-bayan ako galing kanina,” pag-amin niya. “Nangangaila-ngan daw ng cook ang restaurant niya sa Canada.  Inalok ‘yun sa akin.”

“A-aalis ka?” naitanong ko.

“’Di pa tiyak…”

Nawalan ako ng kibo. (Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …