ANG red envelopes ay malawakang ginagamit sa Black Sect Tibetan Tantric Buddhism School of Feng Shui (BTB) bilang simbolo ng paggalang at pagprotekta sa transmisyon ng sinaunang feng shui know-ledge.
Kadalasang humihingi ang BTB feng shui practitioner ng ilang (maaaring 3, 7, 9 o 21) red envelopes na may lamang pera, para sa feng shui consultation.
May expression, o tradisyon sa China na tinaguriang “the red envelope policy” na nagsasaad na kailangang magbigay ang isang indibidwal sa bride upang makuha niya kung ano ang kanyang gusto.
Ang pula, ang malakas na kulay na “susu-nog” o pipigil sa negative Chi, ang malawakang ginagamit para sa nasabing transmisyon na ito.
Ginagamit din ang red envelopes na may lamang pera sa Chinese New Year, kasalan, kaarawan o iba pang mahalagang pagtitipon.
Ang red envelope tradition sa feng shui ay bilang pagprotekta sa sinaunang kaalaman, gayundin ay pagpapakita ng respeto para sa feng shui consultant na nagbahagi ng kanyang kaalaman.
Lady Choi