Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinakamahusay na birth control pill

MAY nagtanong, “Alin ang pinaka-the best birth control pill?”

Mahirap ito sagutin dahil hindi lang isa ang top-of-the-line na brand.

Sabi nga, “all pills are created equal.” Parang shampoo … dapat hiyang.

Iba-iba ang reaksyon sa additives

Binubuo ang pills ng alin man sa kombinasyon ng estrogen at progesterone o purong progesterone. Maaaring mag-react ang babae sa iba’t ibang paraan sa mga kemikal na additive at sangkap na nilalaman sa mga birth control pill.

Halimbawa ay ang aktibong sangkap na desogestrel at cyprote-rone acetate.

Kapag ito ang mga sangkap sa pill, maraming anti-androgen activi-ty. Ang kahulugan nito ay nagka-counteract ang pill sa acne at nagpapataas ng balahibo o buhok sa mukha sanhi ng ilang disease process tulad ng polycystic ovary syndrome.

Mga side effectS

Isa pang sangkap ay ang drosperinone.

Ito ay isang diuretic. Minsan mararamdaman sa pills na ikaw ay ‘manas.’ Makababawas ng timbang ang diuretic dahil mapapadalas ang pag-ihi.

Nagrereklamo ang ibang babae ng pananakit ng ulo at pagkahilo kapag uminom ng pill.

Ang dami ng estrogen sa formula ang dahilan ng sakit ng ulo at pagkahilo. Para maiwasan ito, pumili ng brand na may pinakamababang milligram ng estrogen.

Trial and error

Nagpapakita ang proseso ng paghanap ng tamang brand ng pill na nagre-react ang katawan ng iba-iba sa magkakaibang mga kemikal.

Tiyaking kumonsulta sa isang doktor bago sumubok ng alin mang birth control pill sa unang pagkakataon. Alamin din ang inaasahang mga side effect.

Karamihan ng mga brand ay magbibigay ng mild headache, ang ilan ay pananakit ng dibdib, at pagkamanas sa unang tatlong buwan. Sa puntong iinumin na ang ikaapat na kahon, ang mga side effect na ito ay dapat nang maglaho. Kapag hindi, kailangan magpalit ng brand.

Kung minsan kahit ang iyong doktor ay magsasagawa ng trial-and-error method kada tatlong buwan hanggang ma-ging masaya sa magiging resulta.

Paalala

Friendly advice lang: ang family planning ay nararapat lamang sa mga pamilyadong tao. Ang pinakamainam pa rin na paraan ay ang abstinence para makaiwas sa hindi planadong pagbubuntis at pagkalat din ng sakit.

Kinalap ni Sandra Halina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …