KAPOS daw ng P37 bilyones ang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa taon 2013.
Ang nakolekta raw ng BIR ay P1.217 trilyon laban sa target collection na P1.253.
Inilabas daw ni BIR Commissioner KIM HENARES ang data na ito bago siya lumipad patungong South Korea para dumalo sa Organization for Economic Cooperation and Development (OECD).
‘Eto ngayon ang tanong ng mga taga-Bureau of Customs (BoC), BAKIT sa kanila lang daw mainit ang mata ni Commissioner KIM gayong ang sariling ahensiya niya ay KAPOS din pala at may shortfall na P37 bilyones?!
Wala bang sariling reform program ang BIR?!
‘Yung dadalhin din ang mga pakaang-kaaang na revenue district officer (RDO) sa isang ‘policy and research office’ gaya ng CPRO para doon (Bangko Sentral ng Pilipinas Bldg. 5TH FLOOR) sila magmumuni-muni kung ano ang gagawin nila sa maghapon habang nakatunganga sa isa’t isa.
Abangan natin si Madam KIM kung ‘matututo’ rin siya roon at mapag-iisipan rin niyang magbuo ng Revenue ‘policy and research office’ para roon naman ibartolina ang mga pakaang-kaang na RDO.
Ano sa palagay mo, Finance Secretary Cesar Purisima?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com