NAMATAAN NI JONAS ANG BABAENG PASYENTE NA NATUTURUKAN NG MARAMING KARAYOM NA MERONG SAKIT NA TB
“Ang sabihin mo, talagang sa babae ka lang mabilis,” dugtong ng kaibigan niya.
“Sorry na, ‘Dre…Okey?” alo niya sa kaibigan sabay himas sa likod nito.
“Balik na lang tayo sa isang Sabado,” sabi naman ni Gary na parang kinakati ang butas ng tainga. “Sino pa’ng acupuncturist ang maiinterbyu mo, e, busy na silang lahat?”
Pagpihit ni Jonas para humakbang pa-labas ng klinika ay napansin niyang nakati-ngin sa kanila ni Gary ang babaing pasyente, si Lorena, nakahiga sa kama-kamahan na nila-tagan ng puting kumot. May karayom na naka-baon sa gawing itaas ng magkabilang bahagi ng dibdib nito, pati na sa dalawang braso at binti. Mayroon din itong tusok niyon sa ibabaw ng mga paa, sa ilalim ng mga bukung-bukong at ma-ging sa tag-isang tainga.
“Kumusta?” ang kaswal na bati ni Jonas kay Lorena.
“Okey lang…” ang tugon nito.
“Hindi ba masakit ‘yan?” aniyang itinuturo ang mga karayom na nakakabit sa dibdib ng kausap.
Umiling sa kanya si Lorena.
“Ang masakit para sa akin ay ‘yung nagkasakit ako… Nalimitahan ang mga pagkilos at gusto kong gawin,” anitong may pait sa mga labi.
“Ano’ng health problem mo?” naitanong pa niya.
“Gaya rin ng problema sa kalusugan ng maraming Filipino, TB. Alam mo bang sa ating bansa’y pang-anim ang tuberculosis sa dreaded disease? Na sa tinatayang dalawandaang libo hanggang animnaraang libong dinadapuan nito ay maraming Pinoy ang namamatay araw-araw?” ang sagot ni Lorena sa maigsing tanong ni Jonas.
“Ganu’n ba?” ang tangi niyang nasabi.
“Ang masaklap pa, kulang ang pagli-ngap ng ating gobyerno sa mga may TB at iba pang nakamamatay na sakit na gaya ng cancer, sakit sa puso, diabetes at iba pa… Pero sa pagkaapruba ng RH Bill (Reproductive Health Bill), alam mo bang naging necessity medicine na ngayon ang mga contraceptive pills, pati condom na sadyang pinaglaanan ng pondo ng gob-yerno?” ang mga katagang maririing binitiwan ni Lorena. (Itutuloy)
Rey Atalia