SA commercial feng shui, maaaring pumili ng kulay ng mga isda na nababagay sa elemento ng industriya. Halimbawa, ang financial institution, brokerage firms at car sale industry ay maaaring mag-alaga ng gold o yellow fish upang mapataas ang kanilang sales volume at gumanda ang kalagayan ng negosyo.
Sa kasalukuyan, ang mga isdang katulad ng Arowana, Japanese Koi, Cichlid at Goldfish ang paborito ng mga negosyante.
Ang Arowana ay kilala sa Chinese bilang Golden Dragon dahil ang katawan nito ay nababalutan ng large golden scales na kumikinang sa tubig.
Ang Cichlid, na kilala rin bilang Luo Han, ay may napakamaswerteng pa-ngalan. Ang ulo ng Cichlid ay may hump, sinasabing simbolo ng mahabang buhay.
Bunsod ng territorial nature ng Arowana at Cichlid, ang mga isdang ito ay higit na nababagay sa sales o broking industry.
Bilang general rule sa lokasyon ng aquarium, dapat ikonsidera ang sumusunod:
*Ang hugis ng aqua-rium
*Ang taas at dimension ng aquarium
*Ang tipo, bilang at kulay ng mga isda
Lady Choi