Monday , December 23 2024

After 28 years … EDSA People Power may nagbago ba?

00 Bulabugin JSY

PEBRERO, bente-sais nang si Apo ay umalis / Ngiti mo’y hanggang tenga sa kakatalon, napunit ang pantalon mo / Pero hindi bale, sabi mo, marami naman kame Kahit na amoy pawis, tuloy pa rin ang disco sa kalye.

Nakita kita kahapon, may hila-hilang kariton / Huminto sa may Robinson, tumanga buong maghapon

Sikat ka noon sa tibi kase kasama ka doon sa rali

Pero ngayo’y nag-iisa, naglalakad sa may EDSA …

Ewan mo ba, bahala na / Bahala na, bahala na.

HINIRAM ko ito sa komposisyon ni Dong Abay ng Yano, isang grupo ng alternative rock band.

Ito siguro ang pinakakapsula ng kalagayan nating mga Pinoy matapos ang 28 taon ng EDSA People Power noong Pebrero 25, 1986.

Pagkatapos ng EDSA People Power noong 1986, marami ang nag-akala na magbabago na ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa na naturalmente na dapat ay magkakaroon ng positibong chain reaction sa hanay ng mamamayan at inasahan ng mga maralita na tatagos hanggang sa kanilang katayuan sa buhay.

Pero paglipas lang ng isang taon, ang dating P18 na kilo ng galunggong ay naging P35, P75, hanggang maging P120.

Naging kasing  presyo na ng isang kilo ng baboy.

Ganoon din ang kilo ng bigas at iba pang mga batayang pangangailangan ng mamamayan.

Wala nang tigil ang pagsirit ng mga produktong petrolyo.

Akala natin ay magkakaroon na ng mas malaking oportunidad para sa dekalidad na edukasyon at matitigil na rin ang brain drain sa industriya ng health and allied services.

Lalakas ang industriyalisasyon para makapagbigay ng trabaho sa mamamayan.

Mawawalis ang mga tiwali at matatakaw sa kwartang public servant …

Pero pawang akala lang pala ‘yun.

Dahil sa totoo lang, wala naman nagbago … at sa  totoo lang mas lalong lumaki ang agwat ng mahirap sa mayaman dahil sa tindi ng korupsiyon sa pamahalaan.

I-eksampol natin si P10-B pork barrel scam queen Janet Napoles Lim, ano ba ang kalagayan niya sa buhay noong 1986.

At gaano na kalaki ang agwat ng kalagayan na ito hanggang bago mailantad ang ‘PORK BARREL FAMILY BUSINESS’ nila?

Pero ‘yung mga kababayan natin noon na walang trabaho at naghihikahos sa buhay, kinamatayan na lang yata ang kanilang kalagayan.

Walang nagbago, sa halip ay lalo silang naiwanan sa isang sitwasyon na akala nila’y kanilang kaaahunan.

Presidente na ang anak ni dating Pangulong Cory Aquino na iniluklok ng EDSA pero wala pa rin nagbabago sa kalagayan ng mga mamamayan.

Kumusta na, ayos pa ba? Ang buhay natin, kaya pa ba? E kung hinde, paano na? Ewan mo ba, bahala na? (Dong Abay – YANO)

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *