Friday , November 15 2024

Unang Aray (Memorabol kay Inday) (Part 20)

NASA SEA WALL KAMI NI INDAY AT BUONG HIGPIT NIYA AKONG NIYAKAP SAKA SINIIL NG HALIK SA LABI

Nagtuloy kami ni Inday sa sea wall. Naupo kami sa ibabaw ng mahabang kongretong pa-der. Sa aming kwentuhan, binanggit niya ang dahilan kung bakit si Manang na ang pirmihang magkakahera sa karinderya. Noon kasi, gusto lang daw niyang malibang kaya nagbukas siya ng tindahan.

“Nalilibang nga ako pero nawalan naman ng oras para sa aking sarili,” sabi ni Inday nang humilig sa dibdib ko.

Sa loob daw ng dalawang taon simula noong magtindahan siya, araw-araw ay kinakailangan niyang gumising ng ala-singko ng umaga. Sag-lit munang maliligo bago harapin ang pagluluto. Matapos makapagluto, tatao na sa karinderya bago mag-ala-siyete. Tapos, magsasara naman ng tindahan ng ala-siyete ng gabi.  Kaya lumalabas na mahigit daw dose oras sa buhay niya ang nagugugol sa pagkakarinderya.

“E, matutulog ako ng ten pm at gigising ng five am, seven hours din ‘yun,” pagkukwenta ni Inday sa mga oras. “Dose oras sa karinderya plus pitong oras sa tulog…Nineteen hours lahat. Bale limang oras na lang ang para sa sarili ko.”

Sabi niya, mas nae-enjoy na niya ngayon ang buhay.

“Bakit?” usisa ko.

“Dahil sa ‘yo,” aniya nang kurutin ang pisngi ko. “At dahil bakasyon ka sa eskwela, pareho na tayong may time sa isa’t isa.”

Tumangos ang ilong ko sa narinig.

“Dahil mahal kita, ganu’n?” agap ko.

Biglang natawa si Inday.

“Mahal mo ako, mahal din kita, kaya ta-yong dalawa ay laging magkasama,” hagikgik niya, naniningkit ang mga mata.

Pero biglang kambiyo si Inday. Nagseryoso. Itinuro niya ang nunal sa kanyang pisngi sa tuluan ng luha.

“’Di ka ba natatakot dito?” tanong niya sa akin.

Umiling ako. “Dahil mabibyuda ka agad at una akong mamamatay?”

“Kasabihan ‘yun, di ba?” aniya sa panlalabi.

“Mas takot akong ikaw mismo ang mawala sa buhay ko, o kaya’y maglaho ang pag-ibig mo sa ‘kin,” pagtatapat ko sa aking saloobin.

Mula sa pagkahilig sa aking dibdib ay buong higpit akong niyakap ni Inday. Dinampian ako ng halik sa mga labi. Napansin kong nangilid ang luha sa sulok ng kanyang mga mata.

(Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *