SINABI NI GARY KAY JONAS NA ANG PAG-IBIG AY PARANG UTOT NA TALAGANG MAHIRAP PIGILIN
“’Lam mo, ‘Dre… ‘yang pag-ibig ay parang utot din na mahirap pigilin,” sabi kay Jonas ng kaibigan ni-yang si Gary.
“Ako, may tama kay Lorena?” aniyang nangingiti. “Joke ‘yun, ‘Dre?”
“Aminin… Kundi’y hahaba ‘yang ilong mo,” sabi ni Gary, nakangisi.
“Kulangot ka, inaalaska mo ba ako?” biglang baling niya sa binata na dating kaklase sa high school.
“Imposible ba?” anitong nakatawa na. “Sa mga fairy tales, ‘di ba’t may bidang nai-in-love sa isang kakatwang creature, gaya ng sirena?”
“Sa mga kwentong pambata, oo… Bata ba ‘ko?”
“Paminsan-minsan, isip-bata…”
“Gagi!” aniyang padaplis na nambatok kay Gary, kulang na lang ay mapulang lipstick sa mga labi at makapal na pulbos sa mukha at payaso na.
Si Jonas, pagdating sa babae ay totoong napakapihikan. Oo nga’t maganda naman sana ang mukha ni Lorena at may nangungusap na mga mata. Pero hindi papasa sa panlasa niya ang tipo nito: Payat, nangingitim ang ba-lat na tila sunog-sa-araw pero namumutla. At ito’y edad beinte nuwebe na, inihahanay niya sa tinatagurian ni-yang mga “Ate,” kundi man “Lola.” Malayung-malayo nga ang itsura ni Lorena sa nakarelasyon niyang mga babae na puro pang-beauty contest ang taglay na ganda.
Kumbaga’y “lisensiyado” namang magpihikan si Jonas. Kasi nga’y hindi lang siya basta pogi. Matangkad siyang lalaki, mestisuhin ang makinis na balat, at mapagkakamalang artista sa pananamit at porma. At hindi man siya anak-mayaman, ang pamilya nila sa isang malayong lalawigan sa Norte ay nakaaangat sa buhay sa maraming pami-pamilyang gumagapang sa kahirapan. (Itutuloy)
Rey Atalia