Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hubo naglalakad sa dream

Hi po sir senor,

lagi ko napanaginipan na naglalakad ako na wala khit ano saplot s katawan, minsan nahihiya ako, tinakpan ko ng kamay ang ari ko, minsan hindi naman. Im greg, (09109551003)

To Greg,

Kapag ikaw ay nanaginip na lumalakad ng maayos, ito ay nagsasaad ng mabagal ngunit steady na progreso tungo sa iyong mithiin sa buhay. Ikaw ay tumatahak sa buhay sa paraang may pananalig at tiwala ka sa sariling kakayahan. Ikonsidera rin ang nakitang destinasyon o lugar na patutunguhan dahil ito ay maaaaring magbigay ng karagdagang clue sa kahulugan ng iyong panaginip. Sa kabilang banda, kung nahihirapan ka naman sa paglakad, ito ay may kaugnayan sa pagiging reluctant at hesitant sa pagtungo o pagharap ng direkta sa ilang sitwasyon. Ito ay posibleng nagpapakita rin na dinidistansiya o inilalayo mo ang iyong sarili sa ilang mga karanasan sa buhay. Maaaring reflection din ng kasalukuyang sitwasyon ang nakitang kahirapan sa paglakad, pati na rin ng mga balakid na kinakaharap at nararanasan sa buhay.

Ang panaginip mo na nakahubad ka at pilit tinatakpan ang iyong sex organ ay nagpapakita ng iyong vulnerability o pagiging marupok sa ilang pagkakataon o sitwasyon. May kaugnayan din ito sa iyong pangamba o takot na malaman ng iba o ma-expose ka sa mga ilang bagay na iyong ginagawa. Pakiwari mo ay hinahatulan ka ng iba ng hindi makatarungan. Maaaring may kaugnayan din ang panaginip mo sa pagtanggap sa katotohan o sa kabilang banda, ng takot sa rejection mula sa iba.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …