Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang Aray (Memorabol kay Inday) (Part 18)

PAGDATING KO SA BOARDING HOUSE NAROON SI DONDON  NAG-E-EMPAKE PA-ABROAD DAW SIYA

Nakalabas na ako ng bahay nina Inday ay banat na banat pa rin ang aking mga pisngi sa pagkakangiti. Napakanta tuloy ako: “Kaysarap ng may minamahal, ang daigdig ay may kulay at buhay…”

Nagulat ako nang datnan kong nag-iimpake si Dondon ng kanyang mga gamit sa tinutuluyan naming kwarto. Mag-a-abroad daw siya at bukas ng umagang-umaga ang iskedyul ng alis niya.

“Goodluck,” sabi ko.

“Thanks, ‘Dre,” aniya sa pakikipag-apir sa akin.

Tahimik na tinapos ni Dondon ang pag-iimpake sa kanyang mga damit at ilang personal na gamit sa maleta at bag. Sa paghuhubad ko ng suot na jacket, napatingin siya sa akin.

“Grabe palang manabunot ang chikababes mo,” aniyang itinuturo ang mga buhok na nakadikit sa kwelyo ng jacket ko. “Sinobrahan mo ata’ng pangingiliti.”

Nangalaglag sa sahig ang mga buhok nang ipagpag ko ang jacket. At pagkaraa’y kinapa-kapa ko ang buhok ko.

“N-Nalulugas ‘ata ang buhok ko, a,” nasabi ko, sinusuklay-suklay ng kamay ang aking buhok na lampas-tenga.“Baka maaga akong mapanot, a.”

“Aba’y ingat ka…” payo ni Dondon.

“Ano kayang dapat kong gawin?” naitanong ko.

“Kung ayaw mong makabuntis o mahawa ng VD, mag-condom ka!”

Sa loob-loob ko, mahirap talagang kausap ang tulad ni Dondon. Walang katinuan sa paki-kipag-usap.

Naupo ako sa silya sa pag-aalis ng sapatos. Kinumusta ko ang mga dokumentong kakai-langanin niya sa pag-alis.

“Kumpleto na,” ang sagot niya. “Me tiket na rin ako.”

“Passport mo?” usisa ko.

“’Di na kailangan ‘yun…”

“Visa?”

Umiling si Dondon. Ibig sabihin, wala rin siyang hawak na visa.

“Walang passport, walang visa… puwede ba’ng ganu’n?” napakamot ako sa batok.

“Ibahin mo ‘ko, ‘Dre…” ngisi ng tado. “Ikaw na’ng maging ako!”

Pagyuko ko sa paghuhubad ng medyas, napansin ko ang tiket sa bus na nakapatong sa kinauupuan kong silya. Ibinato ko ‘yun sa mukha ni Dondon.

“Tiket sa eroplano, ha? O!”

Natawa si Dondon. Pero saglit lang at walang sigla.

“’Di na ‘ko binigyan ng pang-tuition nina Inang at Tatang,” pag-amin niya, nangulimlim ang mukha.

“Nagkaproblema ba sa inyo?”  naitanong ko sa pakikisimpatya.

“A-ako mismo ang me problema…tatlong subject ang bagsak ko, puro singko,” sabi ni Dondon, tutop ng palad ang noo. (Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …