SINO ba ang aayaw sa mahaba at malusog na buhay? Marami sa atin ang tiyak na nais na humaba ang kanilang buhay upang malasap ang ganda at kasiyahan na makikita at mararanasan sa mundo. Ang relihiyon o pagiging pagano ay maaa-ring magpalapit sa atin sa Diyos, subalit hindi rin ito makatutulong para mapahaba ang ating buhay.
Gayonpaman, mayroong ilang mga pagkain, o superfoods, na makatutulong sa atin sa aspetong ito. Dapat tandaan na ang ehersisyo ay hindi solong maka-pagpapaganda sa ating kalusugan kung kaya nararapat na suplementohan ito ng mga pagkaing makapagpapatibay ng ating kalusugan kung isasama sa ating routine diet.
Kina (Kale)
Isa sa kinikilalang superfood, ang kale (o kina) ay mayroong mataas na fibre content, at isang mayamang source ng Bitamina B6, carotene, iron at calcium. Sa lasa, kahintulad ito ng repolyo. Habang mahirap pa rin maka-bili nito sa India, maaaring mabili rin naman ito ng online o sa malaking supermarket store. Masarap na alternatibo ang kale chips sa potato chips at makatutulong pa para mapanatili ang ating katawan na fat-free.
Tsokolate (Dark Chocolate)
Tumpak, ang dark chocolate ay isa rin superfood. Mayamang source ito ng mga antioxidant na mainam para sa ating puso, utak at maging sa pagmamantine ng ating glucose levels. Ang mga flavonoids na nilalaman nito ay mayroong mga anti-ageing effect. Nakatutulong din ito na mapababa ang panganib sa blood clotting at pagtaas ng kolesterol.
Kung nais mabuhay sa mahabang panahon, kailangan ba-lansehin ang estilo ng ating pamumuhay sa pamamagitan ng malusog na diet at regular na fitness session. Kaya ibilang ang pagkaing ito para mabuhay nang mahaba at malusog!
Niyog (Coconut)
Ang niyog (coconut) ay isa rin superfood na may maraming benepisyong pangkalusu-gan. Ang isang baso ng coconut water matapos mag-workout ay makatutulong na mapabalik ang nawalang electrolytes ng ating katawan. Magagamit din ang coconut oil sa pagluluto ng nakapagpapalusog na pagkain dahil ito ay heat stable at mapapanatiling malusog ang ating puso. Naglalaman ang langis nito ng espesyal na serye ng mga triglyceride na kailangan sa ating brain activity. Bukod dito, ang lauric acid na matatagpuan sa langis ng niyog ay nakatutulong sa pagpapalakas ng ating body immunity.
Kulitis (Spinach)
Ang spinach, o kulitis, ay itinuturing na superfood dahil mayamang source ito ng mga antioxidant. Siksik ang superfood na ito ng maraming iron at mga bitamina (tulad ng A, C at K). Makabubuti rin ito sa ating mga mata, dahil maya-man ito sa lutein. Ma-yaman na source rin ito ng fiber at nakatu-tulong sa regulasyon ng blood pressure at pinatitibay ang ating immunity sa mga sakit. Kaya idagdag ang spinach sa ating salad o sandwich o kaya iluto ito na masarap na palak paneer!
Isda
Isa sa pro-minenteng source ng protina, nakapagbibigay ang isda sa ating katawan ng Omega-3 fatty acids, na mahalaga para magkaroon ng malusog na puso. Ang mga isda tulad ng salmon, herring (tawilis), kippers (isang uri din ng tawilis), macke-rel (tambacol o tanigi), sardinas at tuna ay mainam para sa kalusu-gan ng ating katawan. Mayaman ang salmon sa protina at Bitamina A at B. Nakapagpapababa ito sa panganib ng arthritis at pagkawala ng memor-ya.
Mga Bunga (Berries)
Mayaman din ang berries sa mga antioxidant. Nakadaragdag din ito ng kulay sa ating fruit salad at ga-yondin sa ating kalusugan. Mainam ang blueberries para maiwaksi ang fats mula sa ating katawan at makaiwas sa mga problemang may kinalaman sa cardiovascular. Makatu-tulong naman ang cranberries sa pagmamantine ng ating blood pressure level habang ang strawberries ay mayroong anti-inflammatory properties, at nakatutulong din sa pag-iwas sa sakit na diabetes at kanser.
Green Tea
Ang bawat Indiano (o Bombay) ay mayroong malalim na koneksyon sa tsaa. Ang green tea ay mayaman din sa mga antioxidant, tulad ng Bitamina C at E. Mayaman din ito sa mga flavonoid at kilala sa marami nitong mga health promoting qualities at anti-ageing properties. Kilala rin ito sa pagtulong na makaiwas sa mga sakit sa puso at kanser. Ang isang mainam na uri ng green tea ay yaong nanggaling sa Japan, na kung tawagin ay Matcha green tea. Ito ang super tea na magpapahaba sa ating buhay at magbibigay rin sa atin ng mataas na enerhiya.
Yoghurt
Malimit sa mga Indiano ang pagkain nito sa araw-araw, kasama ang kanilang pagkain sa buong maghapon. Aba, ito ang mahalagang dahilan para kumain pa nito. Ang yoghurt ay hindi lamang mayamang source ng protina at calcium, nakatutulong din ito para tumibay ang ating mga buto at makaiwas sa problema ng osteoporosis. Pinapalusog din nito at pinapalakas ang ating puso. Nakatutulong din ang yoghurt sa pagmamantina ng ating blood pressure at makaiiwas sa ubo at sipon.
Kinalap ni Sandra Halina