Friday , November 22 2024

Iba ang asawa sa dream

Dear Senor H,

Ask ko lang po sna kung bkit ko po lge napapaginipan n iba ang asawa ko, umiiyak dw po ako kasi ayaw n nya sken bkt po gnun mnsan ang panaginip ko, apat n beses ko n po ito npapanaginipan, ano po ibig sbhin nung panaginip ko, slamat po, bel po ito (09126471315)

To Bel,

Ang iyong bungang-tulog ay nagpapakita nang kasalukuyang lagay ng relasyon ninyo ng iyong asawa. Kaya dapat na mag-usap kayo nang maayos at mahinahon upang magkaintindihan at upang mapawi ang iyong mga agam-agam.  Sabihin mo sa kanya ang mga alalahanin at nararamdaman mo hinggil sa inyong relasyon. Dapat mong tandaan na ang isa sa mahalagang pundasyon ng matatag na relasyon ay trust o tiwala. Dapat, kung wala ka namang naki-kitang dahilan para magsuspetsa o magselos, huwag ka nang mag-isip ng masama sa iyong mister. Ang selos ay nagsisilbing anay upang maging mabuway ang inyong relasyon kaya alisin ito sa iyong sistema. At sakaling magseselos ka man, dapat ay iyong nasa lugar lang at may basehan ka maliban sa supetsa lang.

Ang pag-iyak naman ay maaaring nagsasaad ng pag-release ng negative emotions na may kaugnayan sa sitwas-yong ikaw ay gi-sing. Ang luha ay nagpapakita ng compassion, emotional healing at spiritual cleansing. Alternatively, ito rin ay maaaring nagsasaad ng sakit at kabiguan. Ang iyong panaginip ay isang paraan upang manumbalik ang ilang emotional balance at isang paraan na rin upang ligtas na mailabas ang iyong takot at kabiguan. Sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga pagkakataong hindi natin napapansin, itinatanggi, o kinukuyom natin ang ating mga damdamin. Pero kapag tayo ay nasa kalagayang tulog, ang ating defense mechanisms ay hindi na nagbabantay kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mai-release ang ganitong mga emosyon.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *