Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Singsing at ebak sa panaginip

Helo musta senor,

S pnanagnip ko may hwk ako singsing, tpos tintingnan ko ito at sinuot s hintuturo ko, tpos nagbago setting, napnta ako s cr at umebs naman, plz nterpret ung drims ko, tnx a lot! Ako c pingping, wag u ng llgay cp # ko, okay ba?

To Pingping,

Ang panaginip mo ukol sa singsing ay sagisag ng emotional wholeness, continuity, commitments at honor. Dahil ang singsing sa iyong bungang-tulog ay nasa daliri mo, ito ay nagpapakita ng commitment sa isang relasyon o sa isang bagong endeavor. Ito ay nagsasaad din na ikaw ay loyal sa iyong ideals, responsibilities, o beliefs. Ang iyong hintuturo naman ay simbolo ng physical at ng mental dexterity. Ito ay nagpapakita ng manipulation, action at ng non-verbal communication. Ito ay maaaring nagpapahayag din ng bilang na isa o numero uno. Nagsasaad din ang bungang-tulog mo ng authority, direction, at judgment. Maaaring may ipinupunto sa iyo ang tema ng panaginip mo

Kapag nanaginip naman ng sa pagdumi, ito ay may kinalaman sa ilang aspeto ng iyong pagkatao na marumi at negatibo, pati na rin ang paniniwala mong undesirable at repulsive. Subalit, kailangan mong maihayag at kilalanin ang ganitong damdamin, kahit na maaaring ituring ng iba na kahiya-hiya man ito. Kailangang mailabas mo ang mga negatibo sa iyong buhay o kaya, alisin ang mga bagay na walang silbi. Kung sa panaginip naman ay hindi ma-dispose ang naturang dumi, ito ay nagpapakita na hindi ka pa handang bitiwan o ilabas ang iyong emosyon. Mayroon kang tendency na kuyumin at itago sa sarili ang iyong damdamin. Ayon kay Freud, ang dumi ng tao ay may kaugnayan sa possession, pride, shame, money/financial matters, o aggressive acts. Kaya kapag nanaginip ng ukol dito, ito ay simbolo rin ng iyong anxiety ukol sa usapin sa pera at pati na rin sa financial security.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …