Friday , November 15 2024

Convicted, accused, suspect sa kasong plunder biglang nagkakaroon ng malalang sakit (Karma o excuse …)

00 Bulabugin JSY
NAGTATAKA tayo kung bakit lahat ng mga nasasangkot sa kasong plunder (convicted na si Erap, akusadong si GMA at ngayon ay ang suspect na si Janet Lim Napoles) kapag nasa kulungan na ay biglang nagkakasakit?!

Naalala ko pa noon si Erap, mula sa pinagkakulungan nila ng anak na si Denggoy ‘este Jinggoy sa Fort Sto. Domingo ay nakagawa ng paraan ang kanyang mga abogado na mailipat siya V. Luna Hospital at later on sa kanyang newly renovated TANAY REST HOUSE dahil mayroon daw siyang malalang sakit sa tuhod.

Humingi pa siya ng ‘kompromiso’ sa gobyerno ni GMA na payagan siyang makapagpaopera sa Hong Kong na pinayagan naman.

Hindi lang ‘yan, nabigyan pa siya ng parole.

Onli in da Pilipins lang po ‘yan!

Convicted sa pandarambong pero nabigyan pa ng napakagarang pagkakataon.

Ngayon naman si GMA, kasalukuyang humaharap sa asunto ng gobyerno dahil sa plunder ‘e naka-HOSPITAL ARREST sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) at humihingi ng pagkakataon na siya ay patawarin at makapagpiyansa dahil, “she’s very sick” daw.

And last but not the least, si Madame Janet Lim Napoles na nahaharap sa kasong serious illegal detention at pangunahing suspek sa P10-billion pork barrel scam, ngayon naman ay mayroon umanong ovarian tumor at kinakailangan daw isailalim sa operasyon.

Pwede naman daw pagbigyan pero pagkatapos siyang operahan ‘e ikakalaboso na siya sa regular na kulungan.

Hindi tuloy natin alam kung ang nangyayari sa kanila ay KARMA o ginagamit lang nila ang kanilang kalusugan para makawala sa kulungan na kinalalagyan nila ngayon.

Again, Onli in da Pilipins lang talaga.

Hindi katulad sa bansang Taiwan. Nang masentensiyahan ng 20-taon pagkabilanggo ang dating Presidente na si Chen Shui-bian, dahil sa corruption, doon siya ikinulong sa regular na kulungan. Nakulong din ang kanyang asawa, may sentensiyang dalawang taon, dalawang anak at manugang, may sentensiyang isang taon pero na-reduced sa anim na buwan nang sila ay mag-plead guilty sa kasong perjury at money laundering.

Ganyan kahusay magpatupad ng batas ang Taiwan.

Dito sa atin sa Pinas, sa umpisa lang tayo nagagalit, kapag nililitis na ‘yung mga mandarambong, unti-unti nang ‘lumalambot’ ang ating mga puso hanggang maging ‘mamon.’

Kapag nasentensiyahan na, naaawa pa tayo, kaya kapag nagpa-hospital arrest, pumapayag na tayo.

Bukod pa ‘yan sa maniobrahan sa mga opisyal ng gobyerno na ‘nakatikim’ ng mga probetso, konsesyon at kompromiso noong nanunungkulan pa ang mga naka-asunto.

Onli in da Pilipins lang talaga!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *