ONLI in da Pilipins lang talaga!
Mantakin ninyo i-UPHOLD ng Supreme Court ang online libel?!
Constitutional daw ang online provision sa Cybercrime Law o Republic Act 101-75 (Cybercrime Prevention Act of 2012).
Binigyang-diin ni SC spokesperson, Atty. Theodore Tae ‘este’ Te, sa inilabas na resolusyon ng SC en banc, ang online libel ay para lamang sa orihinal na author o nag-post ng mapanirang artikulo.
‘E spokesperson and ex–human rights lawyer Theodore Te, baka nalilimutan ninyo na ang FREEDOM OF EXPRESSION ay basic rights ng isang tao.
Nasa Bill of Rights po ‘yan ‘di ba?
Mula sa elementary (Grade V), itinuro at ipinakabesa sa atin ng mga Social Studies teacher natin ‘yan. “The Bill of Rights Article III Section 4: NO LAW SHALL BE PASSED ABRIDGING THE FREEDOM OF EXPRESSION.”
E ikaw nga Atty. Te, nagpakadalubhasa sa batas, maraming aklat tungkol sa batas ang nabasa, nakalimutan mo pa ang saligang karapatan ng isang tao?!
Sige, sabihin natin, spokesperson ka lang, pero hindi ka naman nakilala ng sambayanan sa ganyang prinsipyo.
Hindi ba’t isa ka sa magagaling na human rights lawyer noong araw?!
Por delicadeza naman sana, hindi mo na binasa ‘yan o kaya kung talagang naninindigan ka pa basic human rights, sana e nag-resign ka na lang antimano.
Anyway, sabi nga sa kanta ni Bob Dylan “The Times They Are A-Changin.”
Talagang walang tigil sa pagbabago ang panahon. Ang hangin ngayon ay hindi pareho ng hangin noong araw…
Ang matigas na paninindigan noon ay hindi natin masasabing ganoon pa rin ngayon.
‘Di ba, Atty. Te.
Anyway, congratulations kay Sen. Tito Sotto, panalo ka! Hindi ba’t ikaw ang promotor ng batas na ‘yan?
Ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Cybercrime Law ay ponente ni Associate Justice Roberto Abad.
Sa sambayanang Facebookers, iba pang social networking sites, mga bloggers etc., meron nang online libel, kung ayaw ninyong sumakit ang ulo ninyo sa asunto, piliin ang mga ipo-post ninyo.
Only POSITIVE not NEGATIVE … huwag ninyong tuligsain ang patuloy na pagsama ng ekonomiya natin, kundi purihin natin lagi ang pagtitipid ng pamahalaang ito. Ayaw nilang lustayin ang pera ng gobyerno kaya panay lang ‘savings’ ang ginagawa ng administrasyong Aquino. Iwas ‘plunder case’ pagkatapos ng kanilang termino.
Hik hik hik …
Malulugi ang Facebook dahil sa online libel sa Philippine my Philippines … ayaw ni Mark Zuckerberg nang ganyan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com