Imbes maging tagapagpatupad ng peace & order at sundin ang sinumpaang tungkulin sa taumbayan na “to serve and protect” ay kabaligtaran ang ginagawa isang tulis ‘este’ pulis ng Manila Action & Support Assignment (MASA) na pinamumunuan ni Major BERNABE IRINCO.
Isang PO2 RENE LAGRIMAS na nagyayabang na tao raw sya ni Yorme Erap sa MASA at sa sobrang senglot kasama ang 5 kamote ‘este’ tauhan nya ay inireklamo na nanduro, nanggulo at nambugbog ng limang kalalakihan sa Cowboy Grill Ermita nakaraang linggo.
Nagsimula ang katarantaduhan ng tropa ni PO2 LAGRIMAS nang biglang sipain ng kasama niya ang inuupuang silya ng kanilang biktima, pinagmumura at pinagsusuntok sa likuran.
Napagkamalan pa raw ni PO utot ‘este PO2 LAGRIMAS na pulis rin ang biktima at tinanong pa, “Pulis ka ba? Hindi mo ba kami kilala? Sa City Hall MASA kami ni Mayor Erap, panahon na namin ngayon, kung pulis ka ipatatapon pa kita!”
Sumagot naman ang biktima at sinabing “hindi po ako pulis” at lumayo na lamang pero minura ulit siya ni PO2 Lagrimas ng “Gago pala ito e,” sabay suntok sa likod at batok ng biktima. Kahit bumagsak na sa sahig ay tuloy pa rin ang pananakit sa kanya.
Inabangan pa nina PO2 Lagrimas ang biktima sa labas ng bar at parang si Rambo na nagsisigaw na: “Papatayin ko kayo rito,” habang hawak ang baril n’ya sa kanyang bag.
Sonabagan!!!
Mabuti na lang at isang kasama ng biktima ang nakatakbo sa MPD PS-5 at tumawag rin sa 117 na agad naman nagresponde sa area saka lamang nahimasmasan si PO2 Lagrimas at kumaripas ng takbo paalis sa Cowboy Grill.
Pakengsyet kayo!!!
YORME ERAP, ito ba ang klase ng mga pulis mo sa City Hall!?
Nasaan na ‘yun pangako mo sa Manileño na walang mang-aabusong pulis sa lungsod ng Maynila!?
Ano ba itong nasagap kong impormasyon na kaya raw ganyan kaangas si PO2 Lagrimas ‘e dahil paborito siyang kolektor (kolektor ng ano?) ni MASA Chief Major Irinco!?
Major Irinco, alam mo ba na sa administrasyon ni Mayor Lim, walang pulis ng City Hall ang umaabuso gaya ni PO2 Lagrimas?!
Konsintidor ka ba Sir!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com