Monday , December 23 2024

Unang Aray (Memorabol kay Inday)

Nakisalo siya sa aming magkakapamilya at magkakamag-anak sa pananghaliang inihanda ng mga matatanda; sinampalukang manok, kalderetang baboy, relyenong bangus at menudo. Larawan ng sigla ang bawa’t isa. Pero siyempre’y ako ang pinakamasaya.

“Suwerte mo na ‘yan, ‘insan,” sabi ng pinsan kong babae na buong paghangang nakati-ngin sa mukha ni Inday. “’Wag mo nang pakawalan!”

“Pagsuotin mo ng helmet, ‘insan, bago matauhan pa,” ngisi ng pinsan kong lalaki.

Muntik na akong masamid sa pagtawa sa ibinulong ni lolo na katabi ko sa mahabang bangkong upuan.

“Basta’t para sa kasal n’yo ni Inday ay pa-yag na payag akong magkasanla-sanla ang mga lupain ko,” aniya, sinisiku-siko ang balikat ko. “Apurahin mo, apo!”

Hindi ako nakisali sa tagayan ng matatanda sa mga kadugo ko. Mahirap magbiyahe nang nakainom. At lalong ayokong mag-amoy alak ang bibig ko dahil magkatabi kami siyempre ni Inday sa upuan ng bus na sasakyan namin sa pag-uwi.

Nakipagkwentuhan kaming saglit ni Inday sa mga pininsan kong kabinataan at kadalagahan. Tapos, iniikut-ikot ko siya sa malawak-lawak na lupain ni grandpa. Karatig lang ito ng lupang kinatitirikan ng bahay namin nina ermat at erpat. Dito ang manggahan, manukan at itikan ng dalawang matanda. Sa katwiran na ayaw panghinaan ng katawan, araw-araw ay inaabala ni grandpa ang sarili nito sa pag-aalaga ng mga baboy at pagtatanim-tanim ng mga halamang gulay. Libangan naman ni grandma ang paggagantsilyo ng pedidong kurtina at kubre-kama.

“Enjoy ako, sobra,” nasabi ni Inday nang bumibiyahe na kaming pabalik ng Maynila.

“Sama ka uli sa isang bakasyon?” tanong ko.

Ngiti at tango ang isinagot niya sa akin. At humilig na siya sa balikat ko. Inakbayan at hinawakan ko ang kanyang ulo upang kung maka-tulog man siya ay hindi mauuntog sa bintanang salamin ng bus.

Pero nagpikit lang pala ng mga mata si Inday.

“Nahigugma taka,” bulong niya sa akin.

“Ikaw rin… Mahal na mahal na mahal ko. Over-over!” sabi ko sa pinakaromantikong tono.

“’Lam mo kung bakit kita minahal?” aniya sa malambing na tinig.

“Bakit nga ba?”

Pinisil ni Inday ang ilong ko.

“Simple…Feel ko kasi na mahal mo ako.”

Nagkuwento si Inday tungkol sa kanyang unang boyfriend: pogi, matikas magdala ng pananamit, matangkad, at matalino. Noon daw ay in-love na in-love siya sa dating nobyo. Kulang na lang daw ay ilagay niya sa dambana upang doon sambahin sa araw-araw. Kesyo nagmukha siyang batambatang sugar mommy ng kanyang bf. (Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *