Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, sobrang saya sa pagsasama nila ni Bimby

ni   Ed de Leon

KITANG-KITA mo kung gaano kasaya si James Yap nang malaman niyang pinapayagan na ang kanyang anak na si James junior na makasama niya sa kanyang birthday. Sinabi niya na siguro nga iyon ang isa sa pinakamahalagang birthday gift niya. Ilang buwan na rin kasing hindi nagkakasama ang mag-tatay.

Totoo nga na binigyan ng “visiting rights” ng korte si James para madalaw at makasama ang kanyang anak, pero mayroong ibinigay namang PPO, kaya hindi niya maaaring lapitan ang dating asawa, ang yaya, ang bodyguard, at driver ng kanyang anak. Paano nga ba niya makikita ang bata? Kung saan-saan din iyon isinama para sa bakasyon ng ina, paano nga ba silang magkikita.

Kaya nga sinasabi ni James ngayon na gusto niyang magkasundo na sila ng dati niyang asawa, hindi para magsamang muli kundi para maging maayos naman ang kanilang pagtutulungan para sa kanilang anak.

Mukhang makatuwiran lang naman ang hinihinging iyon ni James. Mukhang nasa ayos naman. Tutal naman binigyan siya ng karapatan at saka anak naman niya iyon biologically at legally. Noon kasi ang gusto ng dati niyang asawa ay pirmahan na niya ang kasulatan na nagsasabing pumapayag siyang ibigay na ang karapatang palitan ang pangalan niyon, pero hindi siya pumayag. Pero kahit na nga sa pelikula iginiit na hindi niya apelyido ang ipinagamit sa bata. Pero ano man ang gawin nila, alam naman ng tao na anak ni James iyon, at ang kawawa roon ay iyong bata dahil nawawalan siya ng pagkakataon sa pagkalinga ng kanyang ama.

Si James siguro kung pakakasalan na niya ang kanyang girlfriend at magkaka-anak na sila, kahit na paano hindi na siya masyadong maghahabol pa sa anak niya kung ayaw na talagang ipakita sa kanya, pero ano ang mangyayari sa bata na hindi nakakakuha ng pagkalinga ng ama?

Mat, sangkot nga ba sa pork barrel scam?

TULUYAN nang isinangkot ang pangalan ng actor na si Mat Ranillo III bilang “go between” o isa raw “ahente” ng suspect na si Janet Lim Napoles doon sa pork barrel scam.

Talagang ang mga taga-showbiz ang lumalabas na sangkot diyan sa scam na iyan. Pero hindi pa rin maliwanag sa amin kung ano ang mga koneksiyon at iyang si Ranillo ay nasangkot sa usapang iyan. May mga negosyo nga siguro siya, pero hindi naman siya politiko. Pero dahil din nga sa katotohanang siya ay isang artista, maaaring iyon ang dahilan kung bakit siya sinasabing “go between”. Ang natatandaan lang naming political connections niyan ay noong maging consul sa US ang kanyang stepfather na si Amado Cortez, noong panahon ni Cory Aquino.

Wala pang comment si Mat na hindi natin alam kung nasa Pilipinas ba o nasa abroad, at wala rin naman tayong naririnig na comment mula sa sino man sa kanyang pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …