MAAARING maglagay sa bahay o opisina ng five feng shui elements sa specific shapes, at narito kung paanong ang feng shui elements ay maipapahayag sa hugis:
*Wood: rectangular
*Fire: triangular
*Earth: square
*Metal: round
*Water: wavy
Sa pagpapasimula ng paggamit ng feng shui theo-ry ng five elements, maaa-ring malito sa feng shui element representation ng specific piece ng furniture o décor item.
Sa pagitan ng kulay, hugis at materyal, paano mailalarawan ang feng shui element ng specific object?
Ihalimbawa natin ang coffee table – blue color, square shape, yari sa wood. Ang blue na kulay ng water feng shui element, ang mesa ba ay magdadala ng water element sa inyong tahanan o magdadala ito ng wood element, dahil ang mesa ay yari sa kahoy?
At paano ang square shape, ito ba ay magdudulot ng earth feng shui element?
Kung nahihirapan sa pagtukoy sa feng shui element ng specific décor item, ang kulay ang maaa-ring gamitin bilang unang criteria. Pangalawa ang hugis, at pangatlo ang materyal kung saan yari ang item.
At kung ang elemento ay obvious, katulad ng metal staircase (metal element) plant (wood element), hindi na kailangan pang manghula.
Sa maraming kaso, makikita ang bawat décor item sa dalawa o higit pang elemento, at kalaunan ay magiging madali na para sa inyo na maintindihan ang feng shui element expression ng iba’t ibang item sa inyong tahanan.
At kapag batid na kung paano babalansehin ang limang elemento sa inyong bahay sa pamamagitan ng simpleng décor items, gayundin ng iba’t ibang feng shui cures, tiyak na mabubuo ang harmonious home.
Lady Choi